Sa botong 255 na pabor, at walang pagtutol…
Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House bill 8324 o panukalang Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital Act.
Ang ospital na ito ay isang Level 3 hospital na itatayo sa probinsya ng Pampanga; at pamamahalaan ng Department of Migrant Workers o DMW.
Ang OFW Hospital ay magbibigay ng komprehensibong serbisyong pangkalusugan sa mga OFW, kanilang legal dependents, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) contributors, at publiko.
Ang OFW Hospital ay 24/7 din na magkakaloob ng telehealth services sa OFWs at kanilang pamilya, maglalaan ng pre-employment at post-employment medical examinations para sa OFW at marami pang iba.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez --- ang pagpapatibay ng Kamara sa panukalang OFW Hospital ay patunay ng patuloy na suporta nila sa kapakanan at proteksyon ng mga OFW, na pawang na itinuturing ng mga bayani.
Sa botong 276 na pabor, at walang kumontra…
Pinagtibay na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8144 o panukalang nagsusulong na ituring na krimen ang “tax racketeering” at magpataw ng mabigat na parusa sa mga sangkot dito.
Aamyendahan ng panukala ang Section 257 o National Internal Revenue Code.
Kapag sinabing tax racketeer --- ito ay indibidwal na umiiwas o hindi nagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng “systematic at coordinated scheme” gamit ang mga pekeng resibo, returns, o record na ang halaga ay hindi bababa sa P10 million.
Nasa ilalim ng House Bill na ang mahahatulan ay makukulong ng 17 hanggang 20 taon, at multa; habang ang kasabwat ay kulong na 10 hanggang 17 taon.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, target ng panukala na mapigilan o matuldukan ang mga modus o pakana, na nagdudulot ng pagkawala ng bilyong-bilyong pisong kita sa pamahalaan at nakakaapekto sa mga Pilipino.
Ani Romualdez, maraming sindikato at mga “bogus business” ang gumagawa ng tax racketeering, kaya napapanahon na aniyang mapanagot ang mga ito.
Sa botong 255 na pabor, at walang pagtutol…
Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House bill 8324 o panukalang Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital Act.
Ang ospital na ito ay isang Level 3 hospital na itatayo sa probinsya ng Pampanga; at pamamahalaan ng Department of Migrant Workers o DMW.
Ang OFW Hospital ay magbibigay ng komprehensibong serbisyong pangkalusugan sa mga OFW, kanilang legal dependents, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) contributors, at publiko.
Ang OFW Hospital ay 24/7 din na magkakaloob ng telehealth services sa OFWs at kanilang pamilya, maglalaan ng pre-employment at post-employment medical examinations para sa OFW at marami pang iba.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez --- ang pagpapatibay ng Kamara sa panukalang OFW Hospital ay patunay ng patuloy na suporta nila sa kapakanan at proteksyon ng mga OFW, na pawang na itinuturing ng mga bayani.
Pasado na sa House of Representatives ang panukalang batas na magtatakda at magdedeklara ng maritime zones na sakop ng Pilipinas.
284 na boto ang nakuha ng panukala na layong tukuyin at ideklara ang bahagi ng maritime area ng Pilipinas salig sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
Sakop nito ang internal waters, archipelagic waters, 12 nautical mile ng territorial sea, 24 nautcial miles ng contiguous zone, 200 nautical miles ng exclusive ecnomic zone at 200 natuical miles ng continental shelf
Kilalanin din nito ang sovereign rites ng Pilipinas sa naturang mga lugar kabilang ang karapatan na i-expore at i-exploit a non-living resources na makiktia rito salig sa UNCLOS.
Nakapaloob din dito ang “Reciprocity and Mutuality” provision kung saan bibigyang karapatan ang Pilipinas na hindi padaanin ang anomang foreign vessels o aircraft na hindi sangayon sa probisyon ng UNCLOS.
Diin ng mga mambababatas mahalagang matukoy ang sakop ng Philippine maritime territory para sa ating food at economic security gayundin ay mapalakas ang posisyon ng bansa sa West Philippine Sea sa pakikipag-negosasyon sa ating mga kalapit bansa sa rehiyon.
Isa rin sa dahilan kung bakit itunulak ito ng Kamara ay bulang tugon sa patuloy na panggigipit sa ating mga mangingisda sa loob mismo ng ating exclusive economic zone bukod pa sa palagiang illegal passage sa ating katubigan.
Pagsuporta rin ito anila ito sa nauna nang pahayag ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr na hindi isusuko ng Pilipinas ang kahit katiting nitong teritoryo sa sinomang foreign power.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home