MARAMING REPORMA PARA SA PAGLAGO NG MGA NEGOSYO SA BANSA, ISINUSULONG NI SPEAKER ROMUALDEZ
Ilang mahahalagang reporma na inilatag upang makalikha ng naaayon na kapaligiran para sa mga negosyo na lumago, makahikayat ng maraming pamuhunan at makalikha ng maraming trabaho para sa masaganang kinabukasan ng sambayanang Pilipino ang ipinahayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga pinuno ng mga negosyante nitong nakaraang Martes.
Sa kanyang mensahe sa 44th National Conference of the Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na idinaos sa Manila Hotel, binanggit ni Romualdez na ang naturang direksyon ng polisiya ay nakaangkla sa pagkilala ng pamahalaan sa mahalagang papel ng mga employers, sa layunin ng bansa para sa kaunlaran.
(“The Philippine government, under the leadership of President Ferdinand R. Marcos, Jr, recognizes this and is committed to fostering an environment that bolsters your efforts,” ayon kay Speaker Romualdez.)
Pinasalamatan niya rin ang mga pinuno ng mga negosyante sa kanilang katatagan at paninindigan sa harap ng mga pagsubok na idinulot ng pandemyang COVID-19, sa pamamagitan ng pananatili ng kanilang mga negosyo, para tiyakin sa milyong mga Pilipino na makaagapay sa kanilang kabuhayan sa panahon ng krisis.
(“On behalf of the 19th Congress and the Filipino people, I express my heartfelt gratitude and admiration for your courage and perseverance,” ani Romualdez.
“Our President, Bongbong Marcos, and we in the 19th Congress recognize and appreciate your significant role, not only as economic drivers but as stalwart partners in navigating these tumultuous times. We've seen firsthand your determination to keep the Philippine economy resilient amidst the global crisis,” dagdag niya.)
Upang makahikayat ang bansa ng pamuhunan para sa paglago ng ekonomiya, sinabi ni Romualdez na nakipagkapit-bisig ang Kamara sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na maalis ang ‘red tape’ at maisulong ang ‘ease of doing business,’ at iba pa.
“Recognizing the advent of the digital economy, we've championed the Digital Philippines program. This is a dual effort to enhance our digital infrastructure and arm our workforce with the necessary digital skills, creating an avenue for more job opportunities in the tech sector,” aniya.
“Moreover, we are committed to ensuring that our economic growth is inclusive and sustainable. We are prioritizing sectors like agriculture, manufacturing, and services, which are crucial for job creation, particularly for marginalized communities,” dagdag ni Romualdez.
Sa kanyang pagtugon sa mga dumalong dayuhang dignitaryo, sinabi ni Speaker Romualdez na panahon na para mamuhunan dito sa Pilipinas, na siyang pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa mundo, bukod sa pagkakaroon ng isang tanyag na pinuno, si Pangulong Marcos.
Para sa kanya, binigyang-diin niya na ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay nagsisikap na maisa-insitusyon ang mga kinakailangang reporma, at binanggit na bago nag adjourn ang First Regular Session ng ika-19 na Kongreso, ay inaprubahan ng Kapulungan ang 33 sa 42 prayoridad na panukala, na nakatala sa adyenda para sa lehislasyon ng Legislative-Executive Advisory Council (LEDAC).
Sinabi ni Romualdez na kabilang sa mga inaprubahang panukala ay ang Maharlika Investment Fund bill, na naglalayong likhain sa bansa ang kauna-unahang sovereign investment fund, na inaasahang magiging pangunahing pagkukunan ng pondo ng mga malalaking proyekto ng administrasyon.
Nanawagan si Speaker Romualdez sa ECOP na ipagpatuloy ang kanilang partnership sa pamahalaan, upang matiyak ang tuloy-tuloy na pag-ahon at paglago ng ekonomiya matapos ang pandemya.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home