Monday, June 26, 2023

PARDON NA IGINAWAD SA TATLONG CONVICTED OFW SA UEA, PINAPURIHAN SA KAMARA

Nagpahayag ng pagpuri ang isang partylist group sa lahat ng grupo na nagtulong-tulong para mabigyan ng pardon ang tatlong convicted Overseas Filipino Workers sa United Arab Emirates, na dalawa sa mga ito ang naghihintay na lamang ng execution.


Dahi dito, pinasalamatan  ng OFW partylist si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa ginawang apela sa pamahalaan ng UAE, na nagresulta sa pagkakaloob ng pardon sa ating mga kababayan.


Ayon sa partylist group, nasa bingit na ang buhay ng tatlong OFW ngunit naisalba dahil sa masigasig na pakikipag-ugnayan ng punong ehekutibo sa pamahalaan ng UAE.


Nagpapakita ang kasong ito ng kahalagahan na mabantayan ang kapakanan ng mga OFW na nasa 'death row' sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuan. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home