Friday, July 28, 2023

Biyahe ni PBBM produktibo, nakasungkit ng pamumuhunan na lilikha ng mga trabaho—Speaker Romualdez



Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malaysia na naging produktibo matapos makasungkit ng US$285 milyong halaga ng investment commitment na inaasahang lilikha ng mahigit 100,000 trabaho at oportunidad na kumita para sa mga Pilipino.


Ito ay bukod pa umano sa naging mas matibay ang relasyon ng Pilipinas at Malaysia, ayon kay Speaker Romualdez.


Ayon kay Romualdez nagustuhan ang Pangulo ng mga negosyanteng Malaysian na kanilang nakausap sa katatapos na tatlong araw na state visit doon upang hikayatin na mamuhunan sa Pilipinas.


“They find him so statesman-like, very open, and even the big businessmen here they find him very humble, approachable and very open,” ani Speaker Romualdez. 


Inanunsyo ng Malacañang na umabot sa US$285 milyong ang halaga ng ipinangakong pamumuhunan sa Pilipinas ng mga kompanyang nakabase sa Malaysia.


Ang pamumuhunan na ito ay sa larangan ng pagproseso ng pagkain, multi-service digital platforms, aviation, aviation maintenance support services, logistics, manufacturing, infrastructure, at maging sa water at wastewater treatment.


Sa hiling ni Pangulong Marcos, idinetalye ni Speaker Romualdez ang naging kasunduan ng grupo ng business tycoon na si Manny V. Pangilinan at isang Malaysian railway company para sa pamumuhunan ng US$3 bilyon sa Pilipinas.


“We were informed at a private dinner that the MPIC Group of Chairman Manny V. Pangilinan entered into a memorandum of agreement where initially the MPIC will invest into the railway company and they plan on investing into the Philippines into the railway system” sabi ni Speaker Romualdez.


Sinabi ng lider ng Kamara na napadali ang pagpasok sa kasunduan nang pagbisita ni Pangulong Marcos sa Kuala Lumpur.


Ayon kay Speaker Romualdez pag-aaralan din ang paggamit ng cable car sa bansa bilang bahagi ng transport system bukod pa sa pagbubukas ng mga paliparan na daraanan ng mga missionary route.


“They have a very, very long string of success stories here in Malaysia they’d like to replicate that in the Philippines,” sabi pa ni Speaker Romualdez.


Samantala, sinabi ni Speaker Romualdez na ang state visit ng Pangulo at lalo pang nagpalakas sa relasyon ng Pilipinas sa Malaysia.


“The relations between the two countries is very warm,” dagdag pa ni Speaker Romualdez na nagsabi rin na si Pangulong Marcos ay malapit na kaibigan nina Malaysian King, Al-Sultan Abdullah at Prime Minister Anwar Ibrahim.


Sinabi ni Speaker Romualdez na nakuha ni Pangulong Marcos ang atensyon ng international community partikular ng ASEAN region.


##wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home