P5.768 TRILYONG PAMBANSANG BADYET PARA SA 2024, NAKATAKDANG APRUBAHAN NG KAPULUNGAN BAGO MAG RECESS SA OKTUBRE
Ilalayon ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang pag-apruba sa panukalang P5.768-trilyon 2024 pambansang badyet, bago ang unang recess ngh ikalawang Regular Session ng ika-19 na Kongreso sa Oktubre, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Ipinahayag ni Speaker Romualdez, ang pinuno ng 312-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa mga mamamahayag sa isang pulong balitaan, Sabado ng hapon, na plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr. na isumite sa Kapulungan ang kanyang kagyat na mungkahi sa badyet, matapos ang kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ngayong Lunes.
“Pag nangyari po ‘yan, sigurado tatapusin natin ‘yung budget before our October break. We average five weeks of solid work on budget deliberations, consideration, review, and approval through third reading. So we are confident with the processes and protocols and procedures that we have na matatapos natin ang ating national 2024 budget. That is the most important piece of legislation,” ayon kay Speaker Romualdez, na pangunahing pinuno at Pangulo ng nangungunang Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD).
Sinabi niya na ang badyet ay, “aims to sustain the country’s economic growth, create more income and job opportunities for the people and improve their quality of life through the timely delivery of basic social service like education, health care and infrastructure.”
Ipinunto ng pinakamataas na pinuno ng Kapulungan na sa isasagawang deliberasyon ng programang paggasta sa susunod na taon, ay kanilang bubusisiin kung papaano ginamit at kung papaano ang batas, lalo na ang bagong Tenant Emancipation Act, ay ipinatutupad.
“The emancipation law lifted the debt burden of our farmers. In other words na-exempt na ang ating mga magsasaka dito sa kanilang mga utang sa acquisition ng lupa nila. We think that is one of the cornerstones of our President’s legislative agenda. He promised this last year, hindi lang na-promise nagawa, napirmahan na,” giit ng pinuno ng Kapulungan.
“So tayo po sa Kongreso, babantayan din natin na maayos at maaga ang implementasyon para yung mga magsasaka maging productive para tutulong din sila sa ating hangarin na ‘yung ibaba natin ‘yung presyo ng bilihin gaya ng bigas, asukal at gulay. Kaya excited po tayo kasi pinagtrabahuhan natin ‘to,” dagdag niya.
Sinabi niya na ang bansa at ang bawat Pilipino ay dapat na magkaroon ng sapat na suplay ng bigas para walang magugutom.
Iyan ang pangunahing layunin si Pangulong Marcos bilang Kalihim ng Agrikultura, aniya.
“Yung commitment niya, ‘yan ang isa sa number one accomplishment. At sa totoo lang, bilang isang congressman kung ‘yun lang ang panukalang batas na maipasa natin, proud na proud na ko to have been part of the 19th Congress who have passed a very, very important measure that means so much to us as Filipinos because it‘s a life-long dream of every farmer,” aniya.
“Kaya itong panaginip ng mga magsasaka, panaginip ng ating mamamayan ay natupad na. So we will make sure that the implementation is immediate and efficient so that the benefits of this law will be felt in every household,” dagdag pa niya.
Ayon sa kanya, maingat nilang bubusisiin, babalangkasin at ipapasa ang pambansang badyet sa pamamagitan ng malinaw na proseso.
“Like last year, we will get the widest consensus on our spending plan among our members. Its approval is very crucial in maintaining stability and facilitating the seamless implementation of government programs and projects. It has significant implications for the country’s progress and development,” dagdag ng pinuno ng Kapulungan.
Tiniyak niya na sisiguruhin ng Kapulungan sa bansa na, “every centavo of the national budget will be spent wisely by ensuring that spending will contribute to economic and national development.”
“We will be setting clear priorities and making informed decisions that would further promote sustainable growth aimed at uplifting the lives of Filipino people, enhancing public services, and making our economy strong and more agile,” aniya.
“The House of the People will effectively respond to the needs of the people to address the continued impact of the health crisis, create more jobs, and ensure food security,” aniya.
Binighyang-diin niya na sa pakikipagpartner sa Senado at sa Pangulo, ay ipagpapatuloy ng Kapulungan ang programang Build Better More, at lumikha ng mga oportunidad sa kabuhayan.
Hinimok ni Speaker Romualdez ang mga ahensya ng pamahalaan na kumpletuhin ang pagpapatupad ng mga proyekto, mga programa at mga aktibidad na pinopondohan ng taunang pambansang badyet sa oras.
“Prompt project and program delivery is critical to achieving our goal of creating more income and livelihood opportunities for our people and their enjoyment of social services and infrastructure. There should be no implementation delay,” aniya.
Ang panukalang pambansang badyet sa susunod na taon ay mas mataas ng P500 bilyon sa kasalukuyang P5.268-trilyon ng programa sa paggasta ngayong taon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home