PANUKALA HINGGIL SA MOTOR VEHICLE USER’S CHARGE, INAPRUBAHAN NG KOMITE
Mabilis na inaprubahan ngayong Martes ng Komite ng Ways and Means sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang panukalang simplehan ang umiiral na systema ng motor vehicle user's charge (MVUC) at isaayos ang road user’s tax sa mga sasakyan. Pinagsama-sama at inaprubahan ng Komite ang mga House Bills (HB) 376, 2270, 4338, 6450, at 8049, gamit ang Rule 10, Section 48 ng House Rules, kung saan nakasaad: “In case of bills or resolutions that are identified as priority measures of the House, which were previously filed in the immediately preceding Congress and have been approved on Third Reading, the same may be disposed of as matters already reported upon the approval of majority of the Members of the committee present, there being a quorum.” Layon ng panukala na sulitin kung paano ginagamit ang MVUC, itaas ang mga karagdagang kita upang makatulong na pondohan ang mga inisyatiba ng pamahalaan, lalo na ang iwasan ang bilang ng mga taong namamatay sa mga aksidente sa trapiko at tulungan ang mga biktima. Bahagi din sa mga nakolektang buwis ay ilalaan sa modernisasyon ng mga public utility vehicles (PUVs). Inaprubahan din ng Komite ang probisyon ng kita na nasa isang unnumbered substitute bill, sa HB 2627, na tumutukoy sa saklaw at lawak ng fiscal autonomy ng Judicial Branch ng pamahalaan. Ang Seksyon 9 ng panukalang batas ay magbibigay ng awtorisasyon sa Hudikatura na mangolekta ng mga legal na bayarin, na magiging bahagi ng Judiciary Trust Fund. Bibigyan din nito ang Korte Suprema ng kapangyarihan na ayusin ang halaga sa paggamit ng naturang mga pondo, na maaaring kailanganin upang madagdagan ang mga allowances ng mga miyembro at kawani ng Hudikatura, at pondohan ang pagkuha, pagpapanatili, at pagkukumpuni ng mga kagamitan at pasilidad ng tanggapan. Panghuli, inaprubahan ng Komite ang substitute bill sa HB 2228, na nagtatag ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport (Bulacan Ecozone), at ang Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport Authority (BACSEZFA), upang pamahalaan at patakbuhin ang Bulacan Ecozone. wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home