MINORITY LEADER
LAYUNIN NI PBBM NA MAPASAMA SA PAGLAGO NG EKONOMIYA ANG MGA MAHIHIRAP, SINUSUPORTAHAN NG MINORITY LEADER
Inihayag ngayon Miyerkules ni House Minority Leader Marcelino Libanan ang kanyang Kontra-SONA speech, dalawang araw matapos ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong ika-24 ng Hulyo. Ang kanyang talumpati ay nakatuon sa pagsisikap ng pamahalaan na pabilisin ang pag-unlad upang matulungan ang mga mahihirap, lalo na ang mga miyembro ng 4Ps at iba pang mga benepisyaryo sa kalunsuran. Inalam ni Minority Leader kung paano makakamit ng Executive Department na maisakatuparan ang pagsasama at pag-unlad upang ang bansa ay magkaroon ng pinagsaluhang kinabukasan at tadhana. "Yes, we share in the optimism of the President. We share in the growth assessment by the Executive. But because of the shared optimism, we wanted to know ‘Ramdam kaya sa ibaba?' How will the Executive Department cascade this reported growth in the macro level down to the ground-level realities? How can the poorest of the poor, the unschooled, the families of our migrant workers, the solo parents, and the rest of our citizens, share in the benefits of Bagong Pilipinas?" ani Libanan. Hinimok din ni ML Libanan ang tungkol sa pagtalaga ng isang kalihim ng kagawaran, lalo na sa sektor ng agrikultura dahil ito ay kabilang sa usapin ng pambansang seguridad. "The President's mind needs to be freed from the nitty-gritty of a department-level affair. The whole bureaucracy - nay, the whole country - needs his undivided attention," ani ML Libanan. Gayunpaman, pinasalamatan niya si Pangulong Marcos Jr. sa pag-endorso sa pangangailangang amyendahan ang makalumang Philippine Immigration Act of 1940. Binigyang-diin din ni ML Libanan na ang Kontra-SONA ay hindi lamang tradisyon, kundi mahalaga sa Kongreso. “It is an offshoot of public accountability or accountable government which is one of the defining principles of democracy,” paliwanag niya. Nangako siya na ang minorya ay patuloy na mag-iimbestiga, magpaalaala, magpahayag, at magmumungkahi ng mga solusyon na sumasaklaw sa malalawak na sector, kung saan umiiral ang mga pagkakataon para sa mabuti at epektibong pamamahala. wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home