Friday, July 28, 2023

Isa Umali / July 27



Sisimulan ngayong Huwebes ng Kamara sa pangunguna ng Office of the House Speaker ang pamamahagi ng P117 milion na halaga ng tulong, para sa mga nasalanta ng Bagyong Egay sa Northern Luzon. 


Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, P22 million sa naturang halaga ay hinugot mula sa kanyang “personal calamity fund.” 


Habang ang P95 million ay sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program ng Department of Social Welfare and Development sa pamumuno ni Sec. Rex Gatchalian. 


Hahatiin ang P117 million na tulong sa pormang cash, relief goods at AICs sa: 


1.   Ilocos Norte, 1st District 

2.   Ilocos Sur, 2nd District 

3.   Cagayan, 1st District 

4.   Cagayan, 2nd District 

5.  Ilocos Sur, 1st District 

6.  Cagayan, 3rd District 

7.  Benguet, Lone District 

8.  Baguio City 


Umaasa si Romualdez na sa pamamagitan ng mga nabanggit na tulong ay mababawasan ang sakit o paghihirap ng mga kababayan nating naapektuan ng Bagyong Egay. 


Nanawagan din ang Speaker sa mga kaukulang ahensya at local government units na agad magkasa ng pagsasa-ayos ng daan at imprastraktura oras na bumuti na ang panahon. 


Sa panig naman ni House Commiitee on Accounts chairman at Tingog PL Rep. Yedda Marie Romualdez, ang relief at financial assistance ay patunay ng malasakit ng Kamara at pagtupad sa pangako na tutulungan ang mga nangangailangan. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home