LABAN NI PBBM SA ILIGAL NA PAG-AANGKAT AT PAG-IIMBAK NG MGA PRODUKTONG AGRIKULTURA, SUPORTADO NG KAPULUNGAN
Gagawin ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa abot ng kanilang makakaya, upang tulungan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr. na labanan ang iligal na pag-aangkat at pag-iimbak ng bigas at iba pang mga produkto ng agrikultura, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Martes.
“We share the President’s anger and frustration with smuggling, hoarding and price manipulation. We will redouble our efforts to stop the smuggling and hoarding of rice, sugar, onions, garlic, and vegetables, which harms our farmers’ competitiveness and disrupts the agricultural value chain,” ani Speaker Romualdez, pinuno ng 312-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
“Kami sa Kongreso ay tutulong sa Pangulo para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Lahat ng kaya naming gawin ay ibubuhos namin sa misyong ito," ani Speaker Romualdez.
“We shall safeguard the interests of our farmers and our people in general, ensure equitable market conditions, and foster sustainable farming methods to guarantee our nation’s food security,” aniya.
Iginiit ng pinuno ng Kapulungan ang babala ng Pangulo, na bilang na ang mga araw ng mga smugglers, hoarders at mga nagmamanipula ng halaga.
Binanggit niya na sa ilalim ni Pangulong Marcos, ay nagsimulang lumago ang sektor ng the agrikultura.
“Masigla at patuloy na umuunlad ang sektor ng agrikultura. Napababa natin ang presyo ng mga pagkain mula sa agrikultura at napapataas naman ang kita ng mga magsasaka at mangingisda,” aniya.
Nanindigan siya na ipagpapatuloy ng Kapulungan ang pagmomonitor sa mga presyo para sa mga konsyumer.
“We will continually check on prices, especially of staples like rice, vegetables, meat, onions, and garlic, to protect our people from hoarding, price manipulation, unreasonable price increases, and other practices in restraint of trade that hamper competition,” ani Speaker Romualdez.
“That is part of our oversight function. We have the appropriate tools to carry this out, including conducting follow-up hearings and summoning suspected hoarders, smugglers and cartel leaders if needed. We will not shirk from our duty to help our people,” aniya.
Nanawagan si Speaker sa mga kinauukulang mga kagawaran, at iba pang mga tanggapan ng pamahalaan at mga bangko na alalayan ang mga magsasaka sa mga bagong teknolohiya, pondo, mga kagamitan at mga payo upang mapaunlad ang kanilang mga ani at mapalakas ang suplay ng mga produktong agrikultura.
“Needless to say, if there is sufficient supply, it would not be profitable for traders to resort to hoarding and similar anti-competitive activities,” giit niya.
Ngayong taon ay nauna nang nagsagawa ng imbestigasyon ang Komite ng Agrikultura sa Kapulungan ng mga Kinatawan sa halaga ng sibuyas, na tumalon sa mas mahigit na P600 kada kilo.
Nadiskubre ng Komite ang katibayan na nagtuturo sa pamamayagpag ng kartel na nasa likod ng pagsirit ng halaga noong 2022 at sa taong ito.
Ang kartel ay kinabibilangan umano ng ilang trading companies na kontrolado ng isang nagngangalang Lea Cruz, na tinaguriang “Sibuyas Queen.” Ang grupo ay napaulat na iligal na nag-iimbak, nagmamanipula ng halaga at kinokontrol ang paglalabas ng sibuyas sa merkado para manipulahin ang presyo nito.
Nang ipatawag ng Komite na nag-iimbestiga, ay pinabulaanan ni Cruz, na nauna nang nadawit sa mga nakaraang pagsisiyast ng Kapulungan, ang anumang maling gawain. Sinabi niya na limitado lamang ang kanyang partisipasyon sa pagtulong sa mga magsasaka sa pagbibiyahe ng kanilang mga produkto.
Ibinunton ng Pangulo ang kanyang galit sa mga smugglers at hoarders sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ngayong Lunes.
“Hinahabol at inihahabla natin sila. Sadyang hindi maganda ang kanilang gawain at hindi rin ito tugma sa ating magandang layunin,” aniya.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home