Friday, July 28, 2023

PBBM NAG-UWI NG PAMUHUNAN NA NAGKAKAHALAGA NG US $285M SA PILIPINAS MULA SA MALAYSIA NA MAKAKALIKHA NG 100K TRABAHO, AYON KAY SPEAKER


Pinuri ngayong Huwebes ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang napaka produktibong opisyal na state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Malaysia, at nakapag-uwi umano ng US$285 milyon na pangakong pamuhunan na inaasahang makakalikha ng mahigit na 100,000 trabaho, at oportunidad sa kabuhayan para sa mga Pilipino.


Ito ay bukod pa sa natamo sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia, sa malapit na personal na ugnayan ni Pangulong Marcos sa mga pinuno ng naturang bansa, ayon kay Romualdez. 


Sinabi ni Romualdez na si Pangulong Marcos ay sikat sa mga nangungunang matataas na opisyal ng mga negosyante sa Malaysia na kanilang nakaharap, upang isulong ang Pilipinas bilang isang natatanging investment hub, sa tatlong araw na state visit. 


“They find him so statesman-like, very open, and even the big businessmen here they find him very humble, approachable and very open,” ani Romualdez. 


Inanunsyo ng Malacanang na nangako ang mga pinuno ng Malaysia ng kabuuang US$285 milyon para sa pagpapalawig ng kanilang pamuhunan at operasyon sa Pilipinas. 


Ang mga pangakong pamuhunan na ito ay nakatuon sa mga larangan ng industriya ng pagpoproseso ng pagkain, multi-service digital platforms, aviation, aviation maintenance support services, logistics, manufacturing, imprastraktura, gayundin ang water at wastewater treatment sa Pilipinas.


Bukod pa rito, ang hiling ni Pangulong Marcos kay Romualdez na magbigay ng mga detalye ng kasunduan na pinasok sa pagitan ng grupo ni business tycoon Manny V. Pangilinan na mamuhunan sa isang Malaysian railway company na nagpaplano na mamumuhunan na nagkakahalaga ng tinatayang US $3 bilyon sa Pilipinas. 


“We were informed at a private dinner that the MPIC Group of Chairman Manny V. Pangilinan entered into a memorandum of agreement where initially the MPIC will invest into the railway company and they plan on investing into the Philippines into the railway system” ayon kay Romualdez, sa idinaos ng pulong balitaan ng Pangulo bago umalis ng Kuala Lumpur. 


Sinabi niya na ang pagbisita ng Pangulo sa Kuala Lumpur ang naging hudyat sa progreso ng kasunduan, at idinagdag na ayon sa grupo, “3 billion (US dollars) will be pledged for investments” sa Pilipinas.


Idinagdag niya na titignan rin ng kompanya ang posibilidad ng paggamit ng cable car bilang sistema ng transportasyon, bilang karagdagan din sa pagbubukas ng mga paliparan sa mga ruta ng ating bansa. 


“They have a very, very long string of success stories here in Malaysia they’d like to replicate that in the Philippines,” ani Romualdez.


Samantala, sinabi ni Romualdez na ang state visit ni Pangulong Marcos ay nagsilbing daan sa pagpapalakas ng malapit na ugnayan sa mga kasalukuyang pinuno ng Malaysia, at ang matagal nang partnership sa pagitan ng dalawang bansa. 


“The relations between the two countries is very warm,” ani Romualdez, at binanggit na si Pangulong Marcos ay malapit na personal na kaibigan ng Hari ng Malaysia Al-Sultan Abdullah at Prime Minister Anwar Ibrahim.


Dagdag pa ni Romualdez, si Pangulong Marcos ay, “definitely caught the attention of the international community” lalo na sa rehiyon ng ASEAN. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home