Friday, July 28, 2023

PBBM PINASALAMATAN NI SPEAKER SA PAGBABANGGIT SA KAHALAGAHAN NG KAPULUNGAN SA PAGHIHIKAYAT NG MGA DAYUHANG MAMUMUHUNAN NA MAGNEGOSYO SA PILIPINAS; NANGAKONG IPAPASA ANG MGA NATITIRANG PANUKALA NG SONA SA PAGTATAPOS NG 2023


Nagpasalamat si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Biyernes kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagkilala niya sa mahalagang papel ng Kongreso, sa pagsusulong sa Pilipinas bilang natatanging destinasyon sa pagnenegosyo, upang makalikha ng maraming oportunidad sa trabaho para sa mga manggagawang Pilipino. 


Si Romualdez ay bahagi ng opisyal na delegasyon ni Pangulong Marcos sa kanyang opisyal na tatlong araw na state visit sa Malaysia, na nagtamo ng pangakong pamuhunan na nagkakahalaga ng US$285M, at inaasahang makakalikha ng mahigit na 100,000 trabaho.


“We are grateful to President Marcos for citing the key legislations we had passed and the critical need for collaboration between the Executive and the Legislative in making the Philippines a more investor-friendly place,” ayon kay Romualdez.


“This motivates us even more in the House of Representatives to redouble our efforts at passing the remaining priority bills before the end of 2023, which are needed to sustain our robust economic growth and enhance our competitiveness to draw in more investments that would mean more jobs and livelihood for our people,” dagdag niya.


Tinutukoy ni Romualdez ang pahayag ni Pangulong Marcos sa isinagawang Roundtable Meeting sa mga nangungunang pinuno ng mga negosyante sa Malaysia, kung saan ay ipinagmalaki ng Punong Ehekutibo ang kanyang administrasyon sa mga polisiya at programa na investor-friendly.


Binanggit ng Pangulo na mas maraming sektor ang nabuksan para sa dayuhang pag-aari sa pamamagitan ng pagpasa ng Retail Trade Liberalization Act, Foreign Investments Act, Public Services Act (PSA), at ang Renewable Energy (RE) Act. 


Bukod pa rito, ipinunto ni Pangulong Marcos na ang pagbubuwis sa mga kompanya ay mas naging business-friendly sa ibinabang halaga ng buwis, at pinaunlad na mga mekanismo para sa buwis at mga insentibo sa buwis.


Subalit binanggit niya na marami pang mga amyenda ang kinakailangan upang mas maging makabago ang kapaligiran sa negosyo ng bansa, lalo na sa pagbubuwis, pamimili, pagtutuos at iba pa.


Sa puntong ito, ay ipinakilala ni Pangulong Marcos sa mga negosyanteng Malaysian businessmen ang mga mambabatas na bahagi ng kanyang opisyal na delegasyon sa kanyang tatlong araw na state visit sa Malaysia. 


“I would also like to introduce the gentlemen seating on my left here is the Speaker of the House, Speaker Martin Romualdez and he is a critical part here, and the rest, we have two senators also here, Senator JV Ejercito and Senator Mark Villar, who have been critical in assisting us pushing this legislation – these amendments to the legislation through Congress. And to get this amendment— to get the new laws enacted,” ayon sa Pangulo.


Binanggit rin ni Pangulong Marcos ang mga reporma at programang investment-friendly na isinagawa sa tulong ng Kongreso, gayundin ang mga kinakailangnag bagong batas, sa kanyang mensahe sa komunidad ng mga negosyante ng Malaysia, sa isinagawang Philippine Business Forum na idinaos sa EQ Hotel sa Kuala Lumpur. 


Nauna nang ipinangako ni Romualdez na ipapasa ng Kapulungan ang natitirang 10 prayoridad na panukala na tinukoy ni Pangulong Marcos sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA), bago matapos ang taon — apat sa Oktubre at anim sa Disyembre---na inaprubahan na ang pito sa 17 prayoridad na panukalang batas na initatag niya sa SONA.


Gayundin, nangako si Romualdez sa kagyat na pagpasa ng panukalang P5.768-trilyong pambansang badyet para sa 2024.


Ang apat na prayoridad na panukala ng SONA para aprubahan sa Oktubre ay:

1. Anti-Agricultural Smuggling

2. Amendments to the Cooperative Code

3. Tatak Pinoy

4. Blue Economy


Ang anim na natitirang prayoridad na panukala para aprubahan sa Disyembre ay:

1. Motor Vehicle User’s Charge

2. Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension

3. Revised Procurement Law

4. New Government Auditing Code

5. Rationalization of Mining Fiscal Regime

6. National Water Act. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home