Friday, July 28, 2023

KINUMPIRMA NG ADB NA NASA WASTONG LANDAS ANG PAGLAGO NG PILIPINAS TUNGO SA MIDDLE-INCOME STATUS HANGGANG 2025, AYON KAY SPEAKER


Sinabi ngayong Sabado ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang pagmamasid ng Asian Development Bank sa pagpapanatili ng malakas na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon, at sa taong 2024 ay isang kumpirmasyon na nasa wastong landas ang ating bansa para makamit ang middle-income status hanggang 2025. 


Sa kanilang ADB Outlook July Update, sinabi ng bangko na ang gross domestic product (GDP) ng bansa ay inaasahang lumaki nang 6.0 na porsyento ngayong taon, ang pinakamataas sa mga nangungunang bansa sa Timog Silangang Asya. Para sa 2024, nakikita ng ADB ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa 6.2 porsyento.

 

Inaasahan ng ADB na lalago ang ekonomiya ng Indonesia sa 4.8 porsyento ngayong taon, Malaysia sa 4.7 porsyento, Singapore sa 1.5 porsyeno, Thailand sa 3.5 porsyento, at Vietnam sa 5.8 porsyento.


“This steadfast pace of recovery from the effects of the COVID-19 crisis across the region is a clear indicator that the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr. has charted the right course and we are steadily sailing towards a brighter future for all Filipinos,” ayon kay Speaker Romualdez.


Binanggit niya na ang ADB projection ay nasa wastong antas ng ating mga tagapamahala ng ekonomiya sa 6.0 hanggang 7.0 porsyentong inaasahang paglago para sa 2023, at 6.5 hanggang 8.0 porsyento para sa 2024 hanggang 2028, habang kinokonsidera ang lokal at panlabas na mga panganib.


Binanggit rin ni Speaker ang forecast sa paglago ng Pilipinas ng International Monetary Fund’s (IMF) ngayong taon sa 6 na porsyento, na sa pagtaas ngayong taon ng gross domestic product ay inaasahang lalago sa pagitan ng 5.5 porsyento at 6 na porsyento.


“With President Marcos’ steady hand at the helm and everyone pulling together, I am confident that we can reach our goal and overcome any rough waters that we may encounter on our journey,” ani Romualdez.


Ang pananatili ng paglago ng ekonomiya ng bansa ay maiuugnay rin sa panawagan ni Pangulong Marcos ng pagkakaisa, habang iniipon ang nagkakaisang lakas at pagsisikap na maitayo, at maisulong ang ating ekonomiya ayon pa kay Romualdez.


“It is a testament to the resilience of our people, the ingenuity of our businesses, and the strong partnerships forged between the government and private sector,” punto niya.


Sinabi ni Romualdez na ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay nananatiling naninindigan sa pagsasagawa ng mga batas para sa pagpapanatili ng daloy ng ekonomiya, isulong ang magandang kapaligiran sa kalakalan, at tiyakin na ang lahat ng mga benepisyo ay pakikinabangan ng lahat ng sektor ng lipunan.


“Likewise, in the exercise of our power of the purse, we will prioritize allocations to strengthen social safety nets and invest in crucial sectors that will fuel inclusive growth and development,” ani Romualdez.


Bukod pa rito, sinabi ni Romualdez na titiyakin ng Kapulungan na may sapat na pondo para sa mga programa para matugunan ang tumataas na halaga ng mga bilihin tulad ng pagkain at mga basic commodities, ipagpatuloy ang mga mahahalagang proyektong imprastraktura, tiyakin ang seguridad sa enerhiya, patatagin ang ‘ease of doing business’ sa bansa, paunlarin ang paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan, at lumikha ng mas maraming trabaho.


“We will await the President’s plans for the country’s direction next year in his State of the Nation Address (SONA) and we will waste no time in working with the Executive to put in place the necessary reforms to uplift the lives of our people,” aniya.


Nauna nang nangako si Romualdez ng kagyat na aksyon mula sa Kapulungan ng mga Kinatawan sa pagsisimula ng ikalawang Regular Session ng ika-19 na Kongreso, para magpasa ng bagong kalipunan ng mga prayoridad na panukala, na pinagpasyahan ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) bago matapos ang taon.


Inaprubahan ng Kapulungan ang 33 sa 42 prayoridad na panukala ng administrasyong Marcos sa pagtatapos ng unang Regular Session ng ika-19 na Kongreso.


“Let us redouble our efforts to build back better and to create a brighter future for every Filipino. Together, we can overcome challenges, seize opportunities, and emerge even stronger from the ravages of the pandemic,” dagdag pa ni Romualdez. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home