Friday, July 21, 2023

TANGGAPAN NG SPEAKER, NAKIPAGPARTNER SA DOH AT DSWD PARA MAMAHAGI NG GUARANTEE LETTERS AT PINANSYAL NA TULONG SA MGA MAHIHIRAP NA PASYENTENG BIKTIMA NG KANSER 


Alinsunod sa programa ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. na mamahagi ng serbisyo sa kalusugan sa sambayanang Pilipino, ipinasilidad ng Tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Lunes ang pagpapalabas ng P6.78 milyong halaga ng medikal na tulong, sa pamamagitan ng mga guarantee letters sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Lungsod ng Quezon. 


Ito ay matapos na dumalo si Speaker Romualdez ngayong Lunes sa kanyang unang pulong sa town hall, kung saan ay ipinahayag niya ang mga usapin na may kaugnayan sa lunas, pangangalaga at iba pang mga suliranin na kinakaharap ng mga pediatric at adult na mga pasyenteng may kanser, kanilang mga magulang, nangangalaga ng kalusugan at mga manggagamot. 


"The care and medication of a cancer patient are among the most financially taxing things that a family can experience. It is even more difficult if children are involved. Through this medical assistance, we hope to somehow ease the burden on these families and give them hope," ayon kay Speaker Romualdez. 


Lahat ng 30 cancer patients-slash-participants sa town hall meeting ay ginawaran ng Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH), o guarantee letter, na nagkakahalaga ng P50,000 (na may kabuuang: P1.5M). 


Ang MAIP guarantee letters, ngayon ay nagkakahalaga P30,000, ay ipinamahagi sa 176 na na-admit na mga pasyente sa PCMC (na may kabuuang: P5,280,000). 


Sa kabuuan, lahat ng guarantee letters na ipinamahagi ngayong Lunes ay nagkakahalaga ng P6,780,000.


Samantala, ang 30 lumahok sa town hall meeting ay nag-uwi rin ng P10,000 bawat isa sa pinansyal na tulong sa pamamagitan ng programa ng Department of Social Welfare and Development's (DSWD) na Assistance to individuals in crisis situations (AICS) program o may kabuuang P300,000.


"I sincerely thank President Marcos, DoH Secretary Dr. Ted Herbosa, and DSWD Secretary Rex Gatchalian for their kind-hearted intervention. Their assistance will literally end up saving lives," ayon kay Romualdez, na siyang kumakatawan sa Unang Distrito ng Leyte. 


"This event is the start of a series of townhall meetings we will be attending to hear the voices of our people. We thank PCMC and PCC for this initiative and for paving way to bring us closer to our people. Through this, we will validate concerns, reach the grassroots, hear out your needs and challenges. We would also like to hear proposed solutions that Congress can address," ani Speaker Romualdez. 


Binanggit niya na libo-libong Pilipino ang pumapanaw taun-taon dahil sa sakit na kanser, na siyang nangungunang dahilan ng pagkamatay sa bansa. 


Ang paglahok ng pinuno ng Kapulungan sa pulong ng town hall ay inaasahan na maglalagay sa Kapulungan sa mas maayos na kalagayan, para tumugon sa mga paggagamot sa mga may sakit na kanser, at mga lunas sa mga may kaugnayang sakit sa pamamagitan ng lehislasyon na umusad. 


“Sa pamamagitan nito, nalalaman natin ang kanilang mga pangangailangan, mga suliranin, at mga hamon sa buhay. Gusto nating maging bahagi ang town hall meeting na ito para imulat ang kamalayan ng mga Pilipino sa ating lipunan lalo na sa mga using pangkalusugan at kung paano natin ito dapat tugunan,” ayon kay Speaker Romualdez sa pulong sa town hall.


Bilang pinuno ng Kapulungan, sinabi niya na may tungkulin siya na tiyakin ang karampatang suporta ng pamahalaan ay matatanggap ng mga pasyenteng may kanser at kanilang mga pamilya.


“Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga batas at programa na magpapabuti sa kanilang kalagayan. Kabilang dito ang access sa abot-kayang gamot at mga serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan. Kasama rin dito ang pagpapalakas ng mga psychosocial services at pagbibigay ng impormasyon at edukasyon tungkol sa kanser,” aniya. 


Kinatawan naman ni dating Health Usec. Roger Tong-an si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, chairman ng House Committee on Appropriations.


Ang lupon ni Co ang bumusisi sa panukalang pambansang badyet. 


Si Speaker Romualdez ay sinamahan nina Reps. Franz Pumaren ng Quezon City, Janette Garin ng Iloilo, Jude Acidre ng Tingog Party-list, Bong Teves ng TGP Party-list, at Quezon City Mayor Joy Belmonte. 


"Today, you opened our eyes to many challenges besetting our patients affected with cancer. What complicates things is the added impact on their families and our society.  Aggravated by the fact that the cost of treatment and care is too heavy for our patients," aniya. 


"While many doctors and health workers are willing to serve our country and our patients, the need for health facilities, government subsidy for cancer care expenses, temporary shelter for patients and healthcare workers and even the long-neglected parking spaces that is a major obstacle to service delivery has been confirmed," ani Romualdez. 


Nangako ang pinuno ng Kapulungan na tutugunan ang lahat ng ito, lalo na sa pagpasok ng panahon ng deliberasyon ng badyet sa Kapulungan ng mga Kinatawan. 


"We will make sure, together with the Committee on Appropriations and the whole Congress, that public funds will go to where it is truly needed. We commit to make sure that the voices of all stakeholders are considered. Foremost among our priorities is to let the people feel that our government is a shoulder to rely on. Ang gobyerno ang inyong 'Kuya' sa panahon ng pangangailangan," giit niya. 


Nagbigay rin si Speaker ng handog ng pasasalamat sa mga manggagawa ng PCMC bilang pagkilala sa kanilang mga pagsisikap sa pag-oorganisa ng makabuluhang pulong ng town hall. 


"Sa ating PCMC staff who went out of their way to organize this event, Maraming salamat po. Alam namin ang hirap nyo lalo na nung pandemya," ani Speaker Romualdez. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home