KAPULUNGAN, NAGBIGAY PUGAY KAY DMW SECRETARY SUSAN "TOOTS" OPLE
Nagbigay pugay ngayong Martes ang Kapulungan ng mga Kinatawan sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan "Toots" Ople na pumanaw kaninang hapon. “Migrant workers, and workers in general, have just lost a great and tireless champion in Secretary Ople. She was the first secretary of the department Congress had created to focus on attending to the welfare of millions of overseas Filipino workers (OFWs),” ani Speaker Romualdez. Nagbigay ng talumpati si Kabayan Rep. Ron Salo, Chairman ng Komite ng Overseas Workers Affairs sa Kapulungan ng mga Kinatawan, at inialay ang kanyang talumpati “as a tribute to (Sec. Ople’s) work on the legacy of championing the cause of our migrant workers.” Sa kanyang pribilehiyong talumpati, kinilala ni Rep. Salo ang mga sakripisyo ng mga migranteng manggagawang Pilipino, na higitan ang kakayanan, pagyamanin ang mga bansa at magkaroon ng epekto sa buhay ng mga tao at komunidad. “Unfortunately, your stories of personal sacrifice to achieve a better life for your families are sometimes marked by suffering,” aniya, at hiniling sa kanyang kapwa mga mambabatas na “rise above our differences and unite for a national cause, which is the welfare of Filipino migrant workers” at bumuo ng isang Magna Carta for Filipino Overseas Workers. Ipinaliwanag ni Rep. Salo na ang kanyang panukala ay dulot ng malalim na tungkulin at awa, “The proposed Magna Carta for Filipino Migrant Workers seeks to empower migrant workers, safeguard their rights and elevate their contributions to the forefront of our nation’s consciousness.”
MGA MIGRANTENG MANGGAGAWA, NAWALAN NG TANYAG NA KAMPEON KAY TOOTS OPLE
Ipinagluksa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Martes ang pagpanaw ni Sec. Susan “Toots” Ople ng Department of Migrant Workers.
“Migrant workers, and workers in general, have just lost a great and tireless champion in Secretary Ople. She was the first secretary of the department Congress had created to focus on attending to the welfare of millions of overseas Filipino workers (OFWs),” ayon kay Speaker Romualdez, pinuno ng 311-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
Sinabi ni Speaker na si Ople ay isang masugid na tagapagsulong ng proteksyon ng mga karapatan ng mga manggagawa, na nakatanggap ng maraming papuri hindi lamang mula sa mga lokal na mga grupo ng mga manggagawa, kungdi maging sa mga pandaigdigang organisasyon.
“She took up such advocacy from her father, the late Senate President Blas F. Ople, who was labor minister of President Ferdinand Marcos Sr. Father and daughter served under two Marcoses,” aniya.
Binanggit ng pinuno ng Kapulungan na matapos na pumanaw ang kanyang ama, ay ipinagpatuloy ni Toots Ople, bilang isang sibilyan, ang pagtulong sa mga OFWs at mga lokal na manggagawa at isinulong ang kanilang mga karapatan, gamit ang adbokasya ng tanggapan na itinatag ng kanyanga ama, ang Blas F. Ople Center.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home