MUNGKAHI NG DND HINGGIL SA MUP PENSION REFORM BILL, TINANGGAP NG AD HOC COMMITTEE
Iminungkahi ni Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr at tinanggap naman ni House Ad Hoc Committee on Military Uniformed Personnel o MUP Pension Reforms Chairman at Albay Representative Joey Salceda patungkol sa MUP Pension Reform Bill.
Iminungkahi ng DND Secretary ang 100% indexation sa lahat ng retirado at magreretirong MUP at ang pagsingil ng 9% contribution sa mga bagong pasok lamang sa serbisyo kung saan ang 12 persiyento ay babalikatin ng gobyerno.
Sinabi ni Salceda na dahil dito, madadagdagan ng 1.2 trillion prsos ang actuarial reserve deficiency na nasa 2.2 trillion sa ilalim ng nabuong substitute bill ng komite.
Dagdag pa ni Salceda, trabaho nya na maging bukas sa lahat ng stakeholders at anumang suhestyon ukol sa MUP pension system ay mainam na pag-usapan sa gabinete.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home