Desidido si Albay 2nd district Rep. Joey Salceda na ituloy ang isinusulong na reporma ng Military and Uniformed Personnel o MUP pension system.
Ito ay sa kabila ng pagkwestyon ni Department of National Defense o DND Sec. Gilbert Teodoro sa “substitute bill” ng MUP pension system reform na inaprubahan ng House Ad Committee na pinamumunuan ni Salceda.
Ayon sa kongresista, ang lahat, kasama ang DND, ay nabigyan ng pagkakataon para ihayag ang kanilang komento, sa hearings man o sa pamamagitan ng “transmited statements” sa komite.
Giit ng mambabatas, ang panukalang reporma ng MUP pension ay ibabatay sa prinsipyo ng kapwa pakinabang at pinagsasaluhang sakripisyo. At ang “constitutional implications” ng reporma ay napag-aralang mabuti mula sa Legal Affairs and Parliamentary Counselling units ng Kamara.
Paalala ni Salceda, mismong si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang nasabi na may pangangailangan na masolusyon ang isyu ng MUP pension. At ang bagay na ito ay ilalaban aniya ng Kapulungan.
Sa isang statement, sinabi ni Teodoro na hindi siya pabor sa “mandatory contribution” ng military personnel lalo na sa mga nakakumpleto ng 20 taong pagseserbisyo.; habang wala aniyang dapat mabago sa pensyon at entitlement ng mga nagretiro sa militar; at dapat manatili ang 100% indexation, o pagsabay ng pagtaas ng pensyon sa pagtaas ng sahod ng mga aktibo sa serbisyo.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home