Friday, August 18, 2023

Inihain ni Bukidnon Rep. Jose Maria Zubiri ang House Bill 8818 o ang panukalang “National Seedling and Fertilizer Subsidy Program” upang matulungan ang mga magsasaka sa ating bansa. 


Kapag naging ganap na batas ang panukala ni Zubiri --- ang Department of Agriculture o DA ang magpapatupad ng nabanggit na programa. 


Para sa seedling subsidy, bibigyan ng vouchers ang mga benepisyaryo, na ang halaga ay hindi bababa sa P10,000 kada ektarya kada taon, depende sa sitwasyon at presyuhan sa merkado. 


Habang para sa fertilizer subsidy, ang mga benepisyaryo ay pagkakalooban ng 6 hanggang 7 bag ng pataba o hindi bababa sa P10,000 kada ektarya kada taon. 


Sa explanatory note ng panukala --- iginiit ni Zubiri ang mahalagang papel ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng Pilipinas, at naglalaan ng kabuhayan at seguridad sa pagkain para sa populasyon. 


Gayunman, ang mga lokal na magsasaka ay patuloy na nahaharap sa iba’t ibang hamon gaya ng limitadong “access” sa de-kalidad na binhi at pataba, gayundin ang mga kalamidad o pagbabago ng panahon, na nakaka-apekto sa kanilang produksyon at kita. 


Kaya naman para matugunan ang mga suliraning ito, sinabi ni Zubiri na napapanahon nang magkaroon ng subsidy program para sa hanay ng mga magsasaka. 


Ang panukala ni Zubiri ay nakabinbin sa House Committee on Agriculture and Food. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home