Humihirit ang Department of Finance o DOF sa Kongreso na ipasa at maisabatas ang iba’t ibang “legislative priority measures” para makamit ang target ng Medium-Term Fiscal Framework ng administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., at magkaroon ng dagdag-kita na para sa susunod na taon.
Sa kanyang presentasyon sa pag-arangkada ng deliberasyon ng Kamara para sa panukalang 2024 National Budget --- sinabi ni Finance Sec. Benjamin Diokno na patuloy na makikipag-tulungan ang DOF sa Senado at Kamara ukol sa pagsusulong ng “key reforms” na importante para sa economic development.
Kabilang sa mga tinukoy ni Diokno ay ang excise tax sa Single Use Plastic; rationalization ng Mining Fiscal Regime; Motor Vehicle Road User’s Tax; excise tax sa mga sweetened beverages at junkfood; tax sa premixed alcohol; Value Added Tax o VAT sa digital services providers; Military and Uniformed Personnel o MUP Pension Reform Bill; at iba pa.
Sinabi ni Diokno na sa mga nabanggit --- 7 ang “critical tax measures” na makakatulong na mapataas pa ang “revenues” o tinatayang aabot sa P120.5 billion sa 2024, at P183.2 billion sa 2026.
Tiniyak naman ni Diokno na ang DOF at collecting bureaus ay agresibo sa pagpapatupad ng mga reporma upang mapalakas ang tax administration at para makamit ang mga target.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home