PAGBUSISI SA 2024 PANUKALANG PAMBANSANG BADYET, SINIMULAN NG KAPULUNGAN
Sinimulan ngayong Huwebes ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang pagsusuri at pagbusisi sa panukalang P5.768-trilyon pambansang badyet para sa taong 2024. Binigyan ni Speaker Romualdez ang Kapulungan ng limang linggo upang maipasa ang 2024 General Appropriations Bill, “Apat na linggo sa mga komite, at isang linggo sa plenaryo.” Hinikayat niya ang mga miyembro ng Kapulungan na aktibong lumahok sa deliberasyon ng badyet, makinig at igalang ang pananaw ng bawat isa, partikular ang mga alalahanin ng mga mula sa minorya, at magkaroon ng kasunduan na kapaki-pakinabang sa bansa, lalo na sa mga mahihirap at nasa laylayan na mga mamamayan. “Together, let us be a champion of fiscal prudence, effective resource allocation, and transparent governance.” Binigyang-diin ni Komite ng Appropriations Senior Vice Chair Stella Luz Quimbo ng Lungsod ng Marikina ang pangangailangan na pag-aralan ng mga mambabatas ang iba pang mga salik na nakakaapekto sa badyet, “By carefully evaluating GDP growth, trade dynamics, inflation, and monetary policy, we can craft a budget that not only responds to the current economic realities but also position our nation and our people for a prosperous and resilient future.” Ipinaalam ng mga miyembro ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa mga mambabatas ang mga parametro na ginamit sa pagbuo ng panukalang badyet. Sinabi ni Budget and Management Secretary Pangandaman na ang panukalang 2024 badyet ay mas mataas ng 9.5 porsyento kaysa sa pambansang badyet ngayong taon. “The FY 2024 NEP is framed based on the 8-Point Socioeconomic Agenda in the near term and reflects the overarching goals and targets of the administration under the Philippine Development Plan 2023-2028,” aniya. Binigyang-diin ni Finance Secretary Diokno ang pangangailangan ng maayos na pamamahala sa pananalapi upang magkaroon ng sapat na puwang sa pananalapi para sa mga prayoridad na programa, proyekto, at plano ng pamahalaan upang makamit ang 8-point Socioeconomic Agenda ng administrasyon pagsapit ng 2028. Aniya, layunin ng DOF na (1) mapababa ang utang sa GDP ratio ng mas mababa pa sa 60 porsiyento sa 2025; (2) bawasan ang proporsyon ng kakulangan sa GDP sa 3 porsiyento sa 2028; at (3) panatilihin ang pamumuhunan sa imprastraktura sa 5 hanggang 6 na porsiyento ng GDP taun-taon; noong 2022, ang paggasta para sa imprastraktura ay nasa 5 porsiyento. Binanggit ni NEDA Director-General Balisacan ang (1) digitalisasyon ng koleksyon ng buwis at customs, (2) pagbuo ng Single Treasury Account, at (3) pagpapatupad ng mga programa para mapabuti ang pampublikong pamamahala sa pananalapi, bilang ilan sa mga pagsisikap na isasagawa upang matiyak ang maayos na pamamahala sa pananalapi. Iniulat din ni Secretary Diokno na ang kita mula sa buwis ay inaasahang tataas mula P3.5 trilyon sa taong 2023 hanggang P6.5 trilyon na piso sa 2028, o mula 14.4 porsiyento ng GDP hanggang 16.9 porsiyento ng GDP. Samantala, ang kita na hindi galing sa buwis ay tinatayang lalago mula P191.1 bilyon noong 2023 hanggang P183.7 bilyon sa 2028, dagdag niya. wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home