KAWALAN NG ALOKASYONG PONDO PARA SA RABIES VACCINE, KINUWESTIYON SA KAMARA
Kinuwestiyon ni Deputy Majority Leader at Iloilo First District Representative Janette Garin ang Department of Agriculture (DA) dahil sa kawalan ng alokasyon na pondo para sa rabies vaccine.
Nagtataka si Garin kung bakit ang preventable disease na ito ay bumana nitong nakaraang mga taon, ngunit ngayong tumaas siya at supposedly gagastos para sa rabies vaccine ang Department of Agriculture o DA para sa ating mga aso, lalo na 'yung mga stray dogs ay parang nawalan na yata ng pondo, ayon kay Garin sa budget deliberations ng DA.
Itinanong niya sa DA kung bakit inalis nila sa mga priority ng kagawaran ang rabies vaccination.
Sa pahayag ni DA Undersecretary Agnes Catherine Miranda, sinabi nito na sa mga nakalipas na taon ay may pondo ang ahensya para sa nasabing mga bakuna, gayunpaman, sa kasalukuyan ay nasa loob ito ng mandato ng local government units.
Binigyang-diin ng House appropriations panel vice chairperson ang panganib ng pagkakaroon ng mga asong gala na hindi bakunado laban sa rabies, kung saan ang kagat nito ay maaaring magdulot ng kamatayan sa tao.
Idinagdag din niya na ang mga bakuna ay magiging isang kasangkapan upang maprotektahan ang mga indibidwal mula sa matinding pinsala na maaaring dulot ng rabies.
"Mahal ang human anti-rabies vaccine. Nakakamatay ito at walang gamot. Minsan hindi naman naibibigay na libre ang full dose ng rabies vaccine. Kaakibat ng solusyon sa ‘zero rabies death’ ay ang pambabakuna sa mga aso," iginiit ni Garin.
"Patuloy nanganganib ang mga taong makakasalubong ng ‘dog without an owner’ and unvaccinated dogs," dagdag pa niya.
Ayon sa World Health Organization (WHO), nasa 59,000 na tao ang namamatay taun-taon dahil sa rabies, 95 porsiyento ng mga kaso ay nangyayari sa Africa at Asia.
Hinimok ng mambabatas ang DA na itigil ang pagturo sa mga LGU. Ang bakuna sa rabies para sa mga aso ay nagkakahalaga lamang ng Php10 bawat isa.
"Napakamura na nga. Ipinagkait pa."
"Tignan po natin kung paano natanggal o nawala ['yung pondo para sa rabies vaccines]... I cannot swallow people dying from preventable illnesses," ayon kay Garin.
"It is imperative that DA brings back rabies vaccines for dogs," iginiit pa niya.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home