Thursday, September 07, 2023

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health o DOH sa pharmaceutical industry para magkaroon ng mas murang mga gamot sa bansa, at maiwasan na ang pag-angkat.


Ito ang sinabi ni Health Sec. Teodoro Herbosa, sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations para sa panukalang 2024 budget ng DOH.


Una rito, inungkat ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang iba’t ibang problema sa barangay health centers, partikular ang kakulangan o kawalan ng mga gamot.


May mga residente o pasyente aniya na kailangan ng paracetamol, gamot sa high blood at iba pa --- pero sinasabihan na lamang daw ng barangay health workers ang mga ito na itulog na lamang o ipahinga ang nararamdaman dahil “zero” sa gamot.


Tugon ni Herbosa, palalakasin ng DOH ang Universal Health Care o UHC Law at mga programa upang magkaroon ng mga doktor, may laboratoryo at libreng gamot sa mga barangay.


Bukod dito, kinumpirma ni Herbosa na may komunikasyon na ang DOH sa pharmaceutical industry lalo’t kabilang sa mga rason kung bakit walang libreng gamot ay dahil mahal ang lahat ng mga gamot at ini-import pa ang mga ito.


Ani Herbosa, hinihimok nila ang iba’t ibang kumpanya na mag-manufacture sa Pilipinas at magtayo ng mga pasilidad, upang mapababa ang presyo ng gamot, mas maraming matulungan, at para hindi na mag-aangkat pa.


Tiniyak naman ni Tulfo na isusulong niya na maitaas pa ang pondo ng DOH para sa susunod na taon. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home