Friday, September 08, 2023

Price ceiling ni PBBM posibleng nakatulong sa pagbagsak ng presyo ng bigas sa pandaigdigang pamilihan—Speaker Romualdez



Posible umanong nakaapekto ang ipinatupad na price ceiling ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaya bumaba ang presyo ng bigas sa pandaigdigang pamilihan, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.


Ayon sa US-based Markets Insider, ang presyo ng bigas sa world market ay bumaba ng 21 porsyento, o mula  $384 kada metriko tonelada noong Hulyo ay bumagsak sa $332.4 ngayong buwan.

 

“It is proven that the EO 39 of President (Ferdinand) Bongbong R. Marcos Jr. set commendable results not only in our country, (but in the world as well). We are hoping na magtuloy-tuloy na ang pagbaba ng presyo ng bigas,” saad ni Speaker Romualdez sa isang pahayag.


Ipinaliwanag ni Romualdez na dahil sa ipinatupad na price ceiling ay mayroong mga exporter ng bigas na nagkansela ng kanilang order kaya biglang dumami ang mabibiling bigas na nagpababa sa presyo nito.


“Siguro nung kinansel na nila (importers and traders) ang mga orders, biglang dumami tuloy ang stock sa abroad ng bigas,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

 

“It is obvious na artificial ang pagsirit ng presyo ng bigas sa mga palengke natin dahil tinatago 'yung mga bigas sa bodega as we have seen during our inspection,” dagdag pa ng lider ng Kamara.


Iginiit ni Speaker Romualdez na tama ang pagpapalabas ng Palasyo ng Executive Order No. 39 upang mapigilan ang mga hoarder at price manipulator sa kanilang hindi magandang gawain.


Sinabi naman ni Ways and Means Committee Chair Rep. Joey Salceda na tama ang sinabi ni Speaker Romualdez at ipinaliwanag na artificial lamang ang pagtaas ng presyo ng bigas dahil sa mataas na nais angkatin patungong Pilipinas.


“We have seen this crisis before and we know how to deal with it,” sabi ni Salceda.

 

“Pero we should not over-import para hindi i-anticipate ng mga kapitbahay nating bansa at tumaas ng presyo ng bigas,” dagdag pa ni Salceda. “Ang paglalagay ng price cap ng Malacañang sa bigas ay nagpapakita na hindi katanggap-tanggap sa atin ang mga artificial na pagtaas ng presyo ng bigas sa world market.”

 

Nauna rito, inilabas ni Pangulong Marcos ang EO 39 na naglalagay ng price cap sa presyo ng regular-milled rice sa P41 kada kilo at well-milled rice sa P45 kada kilo.


Ginawa ang hakbang matapos na makatanggap ng impormasyon ang gobyerno na plano ng mga hoarder at price manipulator na paabutin ang presyo sa P70 kada kilo.


“This remarkable development marks a significant shift in our agricultural landscape and offers hope for our local consumers,” ani Speaker Romualdez.


Matatandaan na nagsagawa si Speaker Romualdez kasama ang mga mambabatas kasama at ang Bureau of Customs (BoC) sa mga warehouse ng bigas sa Bulacan.


Iginiit ni Romualdez na dapat makulong ang mga rice smuggler at hoarder na nagpapahirap sa mga Pilipino. (END) wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home