PANUKALANG P311.3-B BADYET NG DOH, MGA PRAYORIDAD PARA SA 2024, IPRINISINTA SA KOMITE NG APPRO SA KAPULUNGAN
Tiniyak ni Senior Vice Chairperson at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa mga opisyal ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ang suporta ng Kapulungan para sa “building a government healthcare system that is a source of pride for our nation—a system that ensures every Filipino can access quality healthcare services when they need them the most” sa pagdinig ngayong Miyerkules ng kanilang panukalang 2024 badyet na nagkakahalaga ng P311.3 bilyon. Ipinaliwanag ni DOH Secretary Dr. Teodoro Herbosa na ang mga prayoridad ng ahensya ay ginagabayan ng isang eight-point action agenda, na naglalayong makamit ang mas magandang kalalabasan ng kalusugan, mas matibay na sistema ng kalusugan, at mapalapit sa lahat ng antas ng pangangalaga. Binalangkas niya ang mga pangunahing pagkakagastusan ng kanilang alokasyon, kabilang ang mga operasyon ng mga ospital ng DOH, ang Health Facilities Enhancement Program, ang Medical Assistance to Financially Incapacitated Patients, gayundin ang kabayaran at iba pang benepisyo para sa mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan ng COVID-19. Isinalaysay ni Rep. Quimbo kung paano inilantad ng pandemyang dulot ng COVID-19 ang mga kahinaan ng sistema ng pangangalagang pangkalusugan ng bansa, na binibigyang-diin ang madaliang pagbabago at pag-aayos nito. Ibinahagi niya na ang panukala ng DOH ay nakatuon sa pagpapabuti ng mga sistema ng pangangalagang pangkalusugan, pagtataguyod ng inklusibo at abot-kayang pangangalagang pangkalusugan, at pagtiyak ng maaasahang mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, lalo na para sa sektor ng mga nasa laylayan sa lipunan. Binanggit ni Sec. Herbosa na may mga inisyatiba ang PhilHealth upang mapabuti ang Konsulta Package, pagpapalawak ng benepisyo, mekanismo ng pagbabayad, pangmatagalang pondo, digitalisasyon, at mabuting pamamahala. Upang matugunan ang mga naiulat na pagkaantala sa pagbabayad sa mga ospital, iniulat ng Pangulo at CEO ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na si Emmanuel Ledesma Jr. na mabilis na ipinapatupad ng ahensya ang digitalisasyon nito upang mapabilis ang paghahatid ng mga serbisyo. Dagdag pa niya, nakikipagtulungan na ang PhilHealth sa Governance Commission for GOCCs (GCG) para sa reorganisasyon at pagdaragdag ng kanilang mga tauhan. Ang Komite ng Appropriations ay pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co. wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home