Kayang-kayang maka-survive ng Office of the Ombudsman kahit maliit ang alokasyon para sa “confidential funds.”
Ito ang iginiit ni Ombudsman Samuel Martires sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations para sa panukalang 2024 budget ng tanggapan.
Una rito, nausisa ang confidential funds ng Ombudsman noong mga nakalipas na taon, na nasa pagitan ng 40 hanggang 45% ang antas ng paggamit.
Halimbawa noong 2022 kung saan P51 million ang confidential funds pero ang aktwal na “obligation rate” ay nasa 18% lamang. Para sa 2023, nasa P31 million ang confidential funds ng Ombudsman.
Pagdating sa 2024, ang hirit na confidential funds ng Ombudsman ay nasa P51.4 million. Pero ayon kay Martires, kung makakapagtipid sila ay bakit nga hindi.
Ani pa Martires, kung sila ay makikisuyo sa intel community nang hindi gagastos ay bakit hindi nila gagawin.
At kung maidadaan nila sa ngiti sa ibang miyembro ng ISAFP na kanilkang kinakausap para matulungan silang mag-imbestiga ay bakit hindi.
Punto pa ni Martires, ang nasa P51 million na confidential funds para sa 2024 ay pwedeng bawasan at ilipat sa MOOE.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home