GANADONG MAGTRABAHO ANG KAMARA DAHIL SA NASUNGKIT NA MATAAS NA RATING—SDS GONZALES
Nagpasalamat si Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio "Dong" Gonzales Jr. sa mga Pilipino sa kanilang pagkilala at pagtitiwala sa Kamara de Representantes.
Ang pahayag ni Gonzales ay batay sa resulta ng survey ng OCTA Research na isinagawa noong nakaraang buwan kung saan 54 porsyento ang nagsabi na sila ay nasisiyahan sa trabaho ng Kamara na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Siyam na porsyento lamang ang hindi kontento at 36 porsyento naman ang undecided.
Nakakuha rin ang Kamara ng 55 porsyento na trust rating at pitong porsyento lamang ang nagpahayag ng hindi pagtitiwala.
Kasalukuyang binubusisi ng House Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, ang panukalang P5.768-trilyong budget ng gobyerno para sa 2024.
Aktibo umanong nakikibahagi sa mga pagdinig ang mga miyembro ng Kapulungan, na minsan aniya ay tumatagal ng hanggang 13 oras, para matiyak na tama ang gagawing paggastos sa limitadong pondo ng gobyerno.
###
("To know that more than half of our countrymen trust us and approve of what we have been doing in this chamber galvanizes us to push forward. If they like what they see, then more of it they will see," ani Gonzales.)
("This high satisfaction, high trust rating of the House also reflects the public's view of the administration of President Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr., who we can see is a hardworking Chief Executive. The House under Speaker Romualdez, merely follows his lead," saad pa ni Gonzales
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home