Thursday, September 14, 2023

Umapela si Ombudsman Samuel Martires sa mga indibidwal na huwag gamitin ang kanilang tanggapan para mailusot ang mga kaso laban sa mga kilalang personalidad na ang basehan lang ay "red-tagging".


Sa pagdinig ng House Appropriations Committee sa 2024 proposed budget ng Office of the Ombudsman na nagkakahalaga ng P5.050 billion, sinabi ni Martires na nais nilang ituon ang pansin sa mga kaso na para sa kapakinabangan ng mahihirap.


Nag-ugat ang pahayag ni Martires nang usisain ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel ang status ng anim na administrative complaints at dalawang criminal cases laban sa ilang opisyal ng NTF-ELCAC na sangkot sa red-tagging.


Kabilang sa mga sinampahan ng kaso noon pang taong 2020 ay sina retired Army Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., dating Communications Undersecretary Lorraine Badoy at dating National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.


Ipinaliwanag ni Martires na walang batas na nagpaparusa sa red-tagging kaya hindi maaaring ipilit ang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.


Dagdag pa nito, marami ang naghahain ng kaso sa Ombudsman kahit na wala itong hurisdiksyon tulad ng mga reklamong may kinalaman sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Pakiusap ni Martires, hayaan na lang ang kanyang opisina na tumugon sa mga kasong karapat-dapat na pag-ukulan ng panahon lalo't hindi maaaring gawing mabilisan ang pag-proseso rito. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home