Wednesday, September 06, 2023

Utang ng Philhealth sa ibat ibnag ospital sa buong bansa umabot sa P27 billion pesos



UMABOT sa  27 billion pesos ang hindi nababayarang utang ng Phillipine Health Insurance o PHILHEALTH sa ibat ibang ospital sa buong bansa.


Ito ang inamin ni Philhealth Executive vice president at chief operating officer Eli Dino Santos sa House committe on appropriations na tumatalakay sa 2024 proposed budget ng Department of Health o DOH na nagkakahalaga ng 311. 3 billion pesos kaugnay ng isyu sa utang ng Philhealth sa.mga ospital noong kasagsagan ng pananalasa ng pandemiya ng covid 19.


Ayon kay Santos mayroong annual net income na 120 billion pesos ang Philhealth subalit hindi ang salaping pambayad sa mga pinagkaka utangang ospital ang problema kundi ang mabagal na verification process dahil hindi pa digitalized ang kanilang sistema. Kasalukuyan pa lang aniya na inaayos ito ng Department of Information and Communications Technology.


Nangako naman ang pamunuan ng Philhealth na sa loob ng 90 days, mababayaran na ang 27 billion pesos na utang ng ahensiya sa ibat ibang ospital gamit ang debit credit payment mechanism formula.


Eddie Galvez

FEBC news wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home