Davao solon pinuri desisyon ng Kamara na ilipat confidential funds
Pinuri ng isang kongresista mula sa Davao region ang Kamara de Representantes sa naging desisyon nito na ilipat ang confidential funds ng mga civilian agency sa mga ahensya na ang mandato ay magbigay ng seguridad sa bansa.
Ayon kay Davao del Sur Lone District Rep. John Tracy Cagas tama ang naging desisyon ng Kamara na ilipat ang P1.23 bilyong halaga ng confidential fund sa mga security agencies lalo at mayroong tensyon sa West Philippine Sea.
“The House of Representatives made the right decision to allocate these funds to our security agencies. This strategic move sends a clear message that we stand ready to defend our territorial integrity and safeguard the well-being of our citizens amidst the growing challenges in the West Philippine Sea,” ani Cagas.
Ginawa ni Cagas ang pahayag matapos tangakin ng mga Chinese vessels na harangin ang mga bangka na magdadala ng suplay sa mga sundalo na nakadestino sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Sa agresibong hakbang ng mga sasakyang pangdagat ng China ay nabangga nito ang isang barko ng Philippine Coast Guard at isang bangka na mayroong dalang suplay.
Iginiit ni Cagas ang kahalagahan na maging handa ang bansa sa gitna ng tensyon sa WPS dahil sa ginagawang pagkamkam ng China sa exclusive economic zone ng Pilipinas.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home