Inihain ni House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos at ilang kasamahang kongresista ang panukalang batas na mag-aatas sa Bureau of Corrections at Bureau of Jail Management and penology na magtatag ng "Digital Prison Records System" sa mga bilangguan.
Batay sa House Bill 9194, nakadisenyo ang records system para sa pagsasaayos ng mga impormasyon ng persons deprived of liberty tulad ng kanilang kinahaharap na kaso at court orders.
Layon nito na i-promote ang efficiency, transparency at accuracy sa paghawak ng hustisya.
Nakasaad sa Section 3 ng panukala na pangungunahan ng BuCor at BJMP ang digitalization at migration ng paper-based documents at records sa sistema para sa PDLs na nasa kustodiya nila.
Sa Section 4, sinasabing magiging accessible ang sistema sa law enforcement agencies at korte sa pamamagitan ng duly authorized officers at agents pati na sa legal counsels ng mga preso.
Maaaring itong ma-integrate sa umiiral na records management system ng law enforcement agencies at korte basta't may pahintulot ng Korte Suprema.
Makikipag-ugnayan ang BJMP sa Department of Information and Communications Technology, National Privacy Commission at iba pang kaugnay na ahensya sa pagbuo ng rules at regulations para sa tamang implementasyon ng batas siyamnapung araw mula sa effectivity.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home