Thursday, October 26, 2023

Iniulat ng Department of Migrant Workers na na-contact na ang overseas Filipino workers sa Israel na kaanak ng mahigit pitongdaang pamilya sa Pilipinas.


Sa briefing sa House Overseas Workers Affairs Committee ngayong araw, sinabi ni Migrant Workers Officer-in-charge Undersecretary Hans Leo Cacdac na umabot sa 746 OFW families ang nagpasaklolo sa tanggapan sa pamamagitan ng helpline.


744 aniya sa mga ito ang accounted na habang dalawa pang OFWs ang hinahanap sa tulong ng Israeli Defense Forces.


Nananatili sa apat ang bilang ng mga Pilipinong nasawi sa hidwaan sa pagitan ng Israel at Hamas.


Tuluy-tuloy din ang repatriation efforts ng DMW kung saan ang bawat returning Filipino ay bibigyan ng 50,000 pesos na cash assistance dahil sa biglaang pagkawala ng trabaho.


Nagpasalamat naman si Cacdac sa suporta ng partner agencies gaya ng Department of Health, TESDA at DSWD.


Sa pagdating sa bansa ng mga Pinoy na manggagaling sa Israel ay agad silang isasailalim sa medical check-up at psychosocial counseling.


Training vouchers ang ipinamamahagi ng TESDA sa mga interesadong OFW na nais sumabak sa skills training. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home