Thursday, October 26, 2023

Shortage ng cybersecurity experts sa bansa, dapat aksiyunan bago ang mga posibleng hacking na naman sa ilang government websites…


…


Kakaunti lamang ang mga Filipino IT experts on cybersecurity kaya nakababahala na masundan muli ang hacking sa ilang website ng gobyerno.


Ito ang babala ni Congresswoman Alexie Tutor sa harap ng mga sunod-sunod na hacking sa ilang government websites nitong mga nakalipas na linggo.


Ayon kay Tutor, sa datos, umaabot lamang sa 200 ang certified cybersecurity specialists sa Pilipinas.


Bukod pa dito, sobrang mahal ang customized cybersecurity software, hardware at architecture designs na ngayon lamang napag-iisipan na paglaanan ng pondo.


Sabi ni Tutor, miembro ng House Committee on Information and Communications Technology, kailangan ng malaking kapital sa cybersecurity kaya dapat isulong ng gobyerno ang public-private partnerships at foreign technical assistants.


Binanggit ni Tutor ang pondong mapagkukunan mula sa Asian Development Bank, Japan International Cooperation Agency at ang World Bank, para ma-upgrade ang cybersecurity ng bansa at makakuha at makapagsanay ng mga dagdag pang IT cybercrime security experts. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home