Kamara hahanapan ng paraan para maitaas ang budget ng DICT sa harap ng sunod-sunod na hacking sa website ng ilang ahensiya kabilang ang Kongreso…
…
Pabor ang Kamara na dagdagan ang budget ng Department of Information and Communications Technology para maiwasan ang mga cyber security attacks.
Ginawa ang pahayag ni Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co, chairman ng House Committee on Approprations dahil sa magkakasunod na pag-hack sa ilang government agencies.
Paliwanag ni Co, ang idadagdag sa pondo ng DICT ay kukunin mula sa “unprogrammed funds” sa ilalim ng 2023 national budget.
Kapag sinabing “unprogrammed funds”, ang budget items ay mapopondohan kung may sobrang target revenues ang gobyerno sa kasalukuyang taon depende sa pag-apruba ng Department of Budget and Management.
Ayon kay Co, kailangan ng DICT ang dagdag na pondo para malabanan ang cyber at ransomware attacks.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home