Naniniwala si Committee on Civil Service and Professional Regulation Chair at Bohol 3rd District Rep. Kristine Alexie Tutor na posibleng hindi parehas ang hacker sa website ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth at House of Representative
Ngunit ayon sa mambabatas , ang lebel ng hacking skills na ginamit ng hacker ay mas malapit sa nang-hack sa website ng Department of Science and Technology at Philippine National Police
Kung saan una nang sinabi ng Department of Information and Communication Technology o DICT na walang nakuhang pribadong impormasyon at small scale type lamang ang nangyaring hacking sa dalawang ahensya
Samantala, ikinabahala naman ng mambabatas ang naging pahayag ng DICT na nasa 3,000 kaso ng hacking ang kanilang iinimbestigahan na naiulat sa kanilang tanggapan mula January hanggang August 2023 ngayong taon
Bunsod nito naniniwala ang kongresista na panahon na siguro para magpasaklolo ang Pilipinas sa cybersecurity specialist mula sa Interpol, ASEAN, Estados Unidos at Japan upang madagdagan ang nasa 200 certified cybersecurity expert ng Pilipinas
Matatandaang kahapon lamang nang magbalik operasyon at muling ma-access ng publiko ang website ng kamara matapos ma-hack nitong linggo , ngunit may mga ulat pa ring hindi mabuksan ito kapag gamit ang cellphone o kaya nama’y computer o laptop.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home