Friday, November 24, 2023

Hindi natapos ,  ginagawan sugalan o di kaya’y tinutubuan na ng mga talahib.


Ito ang mga problemang nakita ni National Unity Party (NUP) president LRay Villafuerte  sa ilang mga natengga at napabayaang  itinayong Super Health centers sa iba’t ibang lugar sa bansa 


Ayon kay Villafuerte iba sa mga ito ay natapos na pero May ilang ginagawang inuman at umano’y sugalan ng ilang mga barangay official dahil walang equipment.


Aniya napakaganda sana ng konsepto ng  naturang programa ngunit kung bibisitahin ang mga health centers na ginawa noon walang doktor at wala ring mga gamot.


Bunsod nito nanawagan ang mambabatas na taasan ang pondo para sa Health facilities enhancement program ng department of Health upang maiwasan aniya ang mga nasabing kinahinantan ng proyekto


Iminungkahi rin ng mambabatas kay  Health Secretary Teodoro Herbosa na tiyaking  mabibigyan ng sapat na pondo ito para sa dekalidad na medical equipment  at para sa sahod ng mga doktor, nurse at iba pang medical personnel


Naniniwala ang kongresista na ang Super health centers ang magandang bersyon ng rural health units (RHUs) at medium-type versions ng  polyclinics, para mabasawan ang pasyente sa mga ospital sa mga rehiyon


Nabatid na  layong ihatid ng mga itinatayong super health centers ngayon sa bansa ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan tulad ng  outpatient department, laboratory, xray, ultrasound, panganakan, diagnostic, pharmacy at iba pang emergency service.


Kabilang sa mga unang pinagtayuan o ginawan nito ay mga malalayong probinsya o rural areas sa bansa  gaya sa  Camarines Sur, Davao  del norte at davao del sur, San mateo Rizal, Bukidnon,Cavite at mayroon din sa Caloocan at iba pang lugar sa Pilipinas 


Habang batay sa  Department of Budget and Management (DBM) P23- B ang pondong nakalaan para sa health facilities enhancement program  at sa ilalim naman ng panukalang 2024 national budget nasa kabuuang  P306-B ang panukala pondo para sa DOH wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home