Sunday, November 12, 2023

Isinusulong ni AnaKalusugan Party-list Representative Ray Reyes na maisama ang anti-graft at corruption modules sa basic education curriculum ng bansa.


Sa inihaing House Bill 9054 o ang Anti-Graft and Corruption Education Act, nais ni Reyes na maipabatid sa mga kabataan ang good conduct at ethical standards ng mga public officials at kawani sa mga paaralan.


Nakasaad dito na makikipagtulungan ang Department of Education sa Office of the Ombudsman sa pagbuo ng modules of instruction na may kinalaman sa konsepto, epekto at pagsugpo sa graft and corruption na ipapaloob sa curricula ng basic education.


Kabilang sa lalamanin ng modules ang Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Rules and Regulations na itinatakda ng Civil Service Commission ukol sa disciplinary actions.


Ipinaliwanag ng kongresista na napapanahon nang matutuhan ng mga mag-aaral ang kasanayan, kaalaman at tamang asal upang maging mulat sa paglaban sa katiwalian.


Kailangan aniyang patatagin ang moral foundation ng bansa lalo't base sa 2022 Transparency International Corruption Perception Index ay nasa pang-isandaan at labing-anim na puwesto lamang ang Pilipinas mula sa isandaan at walumpung bansa pagdating sa assessment ng perceived levels of public sector corruption. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home