Saturday, November 11, 2023

Programang pabigas at tulong pinansyal ni PBBM, nakarating na ng Bukidnon.


Bilang tugon sa panawag ni Pangulong Ferdinad “Bongbong” R. Marcos Jr. na bumuo ng programa na magbibigay ng tulong pinansyal at murang bigas sa mga mahihirap at vulnerable na pamilya, inilusad na rin ang Cash and Rice Distribution (CARD) Program ngayong Sabado sa Bukidnon matapos ang matagumpay na pagbubukas nito sa Metro Manila at ilang lugar sa Laguna.


Kabuuang 3,000 benepisyaryo mula Bukdinon ang nakatanggap ng tulong.


Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pangunahing nagsusulong ng programa, nilalayon nitong mamahagi ng bigas at tulong pinansyal sa mga mahihirap at vulnerable na mga Pilipino sa pamamagitan ng legislative districts ng bansa. 


Itinaon ang CARD Program sa ginaganap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Bukidnon. 


Ang proyektong ito ay magkatuwang na ipinapatupad ng Kamara at ng Department of Department of Social Welfare and Development (DSWD).


“Mapalad ang Bukidnon dahil isa po kayo sa mga lugar na napiling pagdausan ng dalawang pinakabagong programa ng ating gobyerno — ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair at ang Cash and Rice Distribution o CARD Program,” sabi ni Speaker Romualdez sa paglulunsad ng CARD program sa lalawigan.


“Nabuo ang programang ito para tulungan naman ang ating Pangulong Marcos, Jr. na mabigyan ng mura at magandang klase ng bigas ang ating mga komunidad sa iba’t-ibang panig ng bansa,” dagdag niya


Umagapay naman kay Speaker Romualdez sa pag-arangkada ng CARD sa probinsya sina Bukidnon Reps. Jonathan Keith Flores at Laarni Lavin Roque, Gov. Neil Roque, at Davao de Oro Rep. Maria Carmen Zamora.


Sa pagdating ng CARD program sa Bukidnon, 3,000 benepisyaryo ang natulungan.


Una nang inilusad ang CARD sa 33 distrito sa Metro Manila na may tig-10,000 benepisyaryo o kabuuang 330,000 na residente.


Mayroon ding 5,000 residente ng Biñan at Sta. Rosa Cities sa Laguna ang natulungan ng CARD. 


Sa ilalin ng programa, kada benepisyaryo na kinabibilangan ng senior citizens, PWDs, solo parents and IPs – ay makakatanggap ng hindi bababa sa P2,000 na halaga ng tulong pinansyal at rice assistance na kinabibilangan ng isang sako ng 25-kilogram na bigas at P1,000 cash para pambili ng iba pang pagkain.


Ang DSWD ang tumutukoy sa mga benepisyaryo.


Bahagi rin ng CARD program ang patatayo ng mga booth kung saan makakabili ng mas murang bigas.


“Alam natin na buong mundo ang nahihirapan sa pagtaas ng presyo ng bilihin dahil sa global inflation na dala ng mga digmaan sa Middle East.  Dahil dito, hindi ganoon kadali para sa pamahalaan na mapapababa ang presyo ng bigas dito sa atin sa Pilipinas,” paliwanag ni Speaker Romualdez 


“Gayunpaman, sinikap nating humanap ng paraan kung paano makatulong para mapagaan ang buhay ng ating mga kababayan sa harap ng pagtaas ng presyo ng bigas at iba pang bilihin,” saad pa nito.


Magkatuwang na binuo ang CARD program ng Kamara de Representates at ni DSWD Sec. Rex Gatchalian. 


“Hindi lamang dito sa Bukidnon natin inilulunsad ang CARD program na ito. Nailunsad na rin natin ito sa Laguna at sa 17 siyudad at munisipyo sa buong Metro Manila. Target po natin na mabigyan ang 10,000 benepisyunaryo sa bawat distrito,” pagpapatuloy ni Romualdez


“Layon po natin na palawakin ang programang ito sa lahat ng panig ng bansa. Uunahin lamang natin ang mga siyudad kung saan mayroong kakulangan sa suplay ng mura at de-kalidad na bigas. Simula pa lamang ito ng patuloy na pagbibigay natin ng ginhawa sa ating mga mamayan,” wika pa nita.


“Asahan ninyo na laging katuwang ninyo at ng ating Pangulong Marcos ang aking Office of the Speaker at ang buong kasapian ng House of Representatives para masigurong may sapat na pondo ang lahat ng programang laan para sa ordinaryong PIlipino," saad ng House leader. 


Katulad BPSF, nakapagpaabot ng P379M na tulong pinansyal, government services, sa may 110,000 na benepisyaryo sa Bukidnon


Mula ngayong araw hanggang bukas, magpapaabot ng P379 milyong tulong pinansyal at serbisyo ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa may 110,000 na residente ng Bukidnon 


Ang Bukidnon ang ika-pitong probinsya na binisita ng BPSF para ilapit ang nasa 176 na serbisyo at programa ng nasa 58 na ahensya ng pamahalaan at inaasahang makakabenepisyo ng 110,000 na indibidwal, pinakamalaking benefiriacy base ng BPSF.


Pinasalamatan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, isa sa pangunahing organizer ng BPSF, ang lahat ng ahensyang nakibahagi at umaasa na magiging matagumpay ang caravan sa Bukidnon.


“Mapalad ang Bukidnon dahil isa po kayo sa mga piling lugar na napiling pagdausan ng pinakabagong programa ng ating gobyerno — ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair. May ilang probinsya na rin po ang nakaranas ng ginhawa na dala ng ating Serbisyo Fair pero masasabi ko po na itong Bukidnon ang isa sa pinakamaraming beneficiaries na napadalo,” ani Speaker Romualdez sa pagbubukas ng BPSF sa Bukidnon State University in Malaybalay.


“Maraming salamat po sa pagpunta ninyo ngayon. Nagpasasalamat din kami sa lahat ng opisyal ng gobyerno at mga ahensya na nakibahagi ngayon sa pagdadala ng serbisyo sa ating mamamayan,” dagdag ni Speaker Romualdez. 


Ang pagdalo ni Speaker Romualdez ay para katawanin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., na nagbigay ng hamon para dalhin ang serbisyo ng gobyerno sa publiko na siyang prinsipyo sa pagbuo ng BPSF.


“Para po sa kaalaman ng lahat, naisip namin na maglunsad ng ganitong proyekto bilang sagot sa hamon ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. na pabilisin ang paghahatid ng serbisyo ng gobyerno sa bawat Pilipino,” saad ng mambabatas mula Leyte


“Kasama ng Office of the Speaker sa proyektong ito ang buong kasapian ng House of Representatives kaagapay ang lahat ng departamento at ahensya ng gobyerno,” sabi pa nito.


Si Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores ang nagsilbing host ng programa na sinuportahan ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Bukidnon Gov. Neil Roque, it iba pang kongresista ng Bukidnon na sina Reps. Jose Manuel F. Alba, Jose Maria R. Zubiri Jr., at Laarni Lavin Roque.


Kasama rin na sumaksi sa programa sina Cagayan de Oro City Rep. Lordan Suan, Davao de Oro Rep. Maria Carmen Zamora, Davao del Norte Rep. Alan Dujali, at Davao Oriental Reps. Nelson Dayanghirang, at Cheeno Almario.


Kabilang sa mga serbisyo ang province-wide payout ng 22 LGUs ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), kung saan inaashaang higit sa  is 53,000 na indibidwal ang makakatanggap ng kabuuang P105 milyon na tulong pinansyal.


Ilan pa sa tulong na ikinasa ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa ilalim naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) na seserbisyuhan ang mg 4th hanggang 6th-class na munisipalidad.


“Bilang lider ng Kongreso, alam po namin na marami sa inyo ang nahihirapang makakuha ng mga serbisyong kailangan ng inyong mga pamilya. Sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, layunin namin na hindi lamang mapadali, kundi mas mapalawak pa ang pagpapa-abot sa ninyo sa lahat ng serbisyong laan ng gobyerno,” sabi ni Speaker Romualez.


“Sa bawat lugar na mapupuntahan ng Serbisyo Fair, asahan ninyong makakatanggap kayo ng ayuda, impormasyon, at gabay sa lahat ng problemang kinakaharap ninyo kaugnay sa kalusugan, edukasyon, hanapbuhay,at marami pang iba,” wika pa niya


Unang isinagawa ang pilot test ng BPSF sa Biliran at kalaunan ay sabayang inilunsad sa Ilocos Norte, Camarines Sur, Leyte at Davao de Oro noong Setyembre. Bago sa Bukidnon, huling binista ng BPSF  ang Laguna. 


Umaasa si Speaker Romualdez na mabisita ng serbisyo caravan ang lahat ng 82 probinsya at maabot ang nasa 2 milyong benepisyunaryo.


Ang nga benepisyunaryo sa mga bibisitahing probinsya ay magkakaroon ng access sa social services; health at medical support; livelihood at educational assistance; serbusyo ng regulatory functions; at iba pang bureaucratic services para sila bigyang kapasidad.


“Hinihikayat namin kayo na sabihan ang inyong mga kaibigan at mga mahal sa buhay na antabayan ang pagdating ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa kanilang lugar at samahan kami sa pagtutulungan para mapabuti ang kalagayan ng mamamayang PIlipino. Sama-sama, babangon po tayong muli,”  pahayag ni Speaker Romualdez


Sa unang gabi ng  BPSF sa Bukidnon nitong Sabado, idaraos rin ang libreng pasasalamat concert na inaasahang dadagsain ng nasa 10,000 manonood at gagawin sa Provincial Capitol Grounds. BPSF, sinabi pa ni Speaker Romualdez na iikot rin ang CARD program sa buong bansa para serbisyuhan ang 250 congressional districts na may 10,000 benepeisyaryo kada distrito o kabuuang 2.5 milyong indigent at vulnerable na mga Pilipino. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home