Monday, November 13, 2023

MAGNA CARTA PARA SA MGA MANGGAGAWA SA PANAHON NG SAKUNA, INAPRUBAHAN AYON SA PRINSIPYO

 

Inaprubahan ngayong Lunes ng Sub-Committee on Disaster Response sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa ilalim ng Komite ng Disaster Resilience, ang substitute bill para sa mga panakulang lehislasyon sa Magna Carta para sa mga manggagawa sa pampublikong disaster risk reduction and management (DRRM), batay sa prinsipyo. 


Ito ang mga House Bills 3108, 4112, 4490, 5105, 5405, 5545, 5650, 6029, 6739, 7778, 8738 at 9073. 


Tinalakay ng sub-committee na pinamumunuan ni MALASAKIT@BAYANIHAN Rep. Anthony Rolando Golez Jr., ang mga pangunahing alalahanin sa DRRM, lalo na ang dagdag suweldo ng mga manggagawa sa DRRM, ang pagpapababa sa bilang ng mga contract of service (COS), ang pagsama ng plantilla items sa limitadong personnel services ng mga yunit ng lokal na pamahalaan (LGUs), at ang pagpapatibay ng mga mekanismo para sa pagsunod ng LGU, kasama ng mga parusa sa hindi pagsunod.  


Iminungkahi ni Rep. Golez ang pagtatatag ng mga pangkat ng DRRM na independyente sa Civil Service Commission (CSC) at sa mga alituntunin ng LGU. 


Ang responsibilidad ng mga pangkat ng DRRM na ito ay magmumula sa Office of the Civil Defense (OCD) ng bawat rehiyon. 


Ang isa pang alternatibong iminungkahi niya para sa OCD, sa pakikipagtulungan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na magtatag ng isang dedikadong tanggapan na mag-aalok ng pagsasanay, edukasyon, at mga tauhan para sa agarang pagtatalaga sa lahat ng rehiyon ng bansa.  


Inatasan ng sub-committee si OCD Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, CESO IV, MNSA na suriin ang mga rekomendasyon upang pinuhin ang kapalit na panukala. 


Dumalo rin sa pagpupulong sina ParaƱaque City Rep. Gus Tambunting, Catanduanes Rep. Eulogio Rodriguez at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home