Monday, November 13, 2023

Pagdalo ni PBBM sa APEC 2023 nangangahulugan ng dagdag pamumuhunan sa PH— DS Balindong



Kumpiyansa ang isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ang gagawing pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2023 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders' Meeting ay magreresulta sa dagdag na pamumuhunan sa bansa.


Ayon sa bagong talagang Deputy Speaker na si Lanao del Sur 2nd District Rep. Yasser Alonto Balindong dadalo sa pagpupulong na gaganapin sa San Francisco, California, USA mula Nobyembre 15 hanggang 17 ang mga malalaking bansa gaya ng Japan, Singapore, Australia, New Zealand, Canada, Korea at marami pang iba.


“I bid President Marcos Jr. good fortunes when he attends the APEC summit this coming week. He is in an ideal position to bring in more pledges for foreign investments. Since he began his term as Chief Executive in 2022, he has already brought billions of dollars in investment pledges,” ani Balindong na siya ring concurrent chair ng House Committee on Mindanao Affairs.


Sinabi ni Balindong na ang pagpunta ni Pangulong Marcos ay palaging naglalayong humimok ng dagdag na dayuhang pamumuhunan na magpapabilis sa pag-unlad ng bansa.


“I encourage my colleagues to support President Marcos Jr. in his endeavor to propel our economy to great heights by passing priority legislation that will make the investment climate in the country more conducive and attractive to foreign investors,” sabi ni Balindong.


Ang APEC ay itinayo noong 1989 bilang isang regional economic forum para sa pagtutulungan ng mga basa sa Asya Pasipiko. Sumili ang Pilipinas sa APEC noong Nobyembre 1989, at mayroon na ito ngayong 21 kasapi.


“They call members of the APEC ‘economies’ because the discussions in this forum are predominantly about economy and trade relations. We do hope and pray that President Marcos Jr. will be able to bring home more investments that will help our economy and our people,” sabi pa ni Balindong.


Lumago ang ekonomiya ng bansa ng 5.9% sa ikatlong quarter ng 2023, ang pinakamalaki sa Asya at tinalo pa ang Vietnam, Indonesia at maging ang China.


Umabot din sa P1.4 trilyon ang naaprubahang pamumuhunan sa Pilipinas mula ng manungkulan si Pangulong Marcos noong Hulyo 2022. Matatandaan na nagsagawa ng investment at trade mission sa iba’t ibang bansa ang Pangulo para makaakit ng mamumuhunan sa bansa.


“And President Marcos Jr.’s efforts are now paying off. At hindi tumitigil ang ating Pangulo. Patuloy pa rin siya sa paghahanap ng foreign investments para sa ating bansa,” dagdag pa ni Balindong. END wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home