Paglagak ng piyansa at paglaya ni De Lima, magbibigay daan para mapabilis ang pagdinig sa kaso ng marami pang biktima ng war on drugs ng Duterte administration…
…
Lumabas ang tunay na kulay ng war on drugs ng nagdaang Duterte administration matapos payagan ng korte na makapag-piyansa at pansamantalang makalaya si dating Senator Leila De Lima.
Ayon kay Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel, ang pitong taon na pagkakulong ni De Lima ay patunay kung gaano kapalpak ang justice system ng bansa.
Sabi ni Manuel, ginamit ang war on drugs para patahimikin ang mga kritiko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at hindi para mahuli ang mga drug lord.
Paliwanag ni Manuel, hindi lamang dapat marepaso ang kaso ni De Lima at maging daan din ito para mapabilis ang pagdinig sa kaso ng mga biktima ng war on drugs ng nagdaang administrasyon.
Muli rin iginiit ni Manuel na dapat payagan ng Marcos Jr. administration ang International Criminal Court na imbestigahan ang extra judicial killings noong kasagsagan ng war on drugs ng nagdaang gobyerno.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home