Panukalang half cup of rice sa mga restaurant, umaani ng suporta sa Kamara…
…
Dapat buhayin at pagtibayin ng Kamara ang panukala na mag-oobliga sa mga restaurant na dapat nasa menu na mag-serve ng kalahating cup of rice para pagpilian ng kanilang customers.
Ayon kay Congresswoman Janette Garin, layunin nito na maiwasan ang pag-aksaya sa kanin na kadalasan hindi nauubos kapag inorder.
Sabi ni Garin, bukod sa maiiwasan ang pag-aaksaya ng kanin, dapat kasama rin sa bill ang pagsusulong ng balanse at sustainable eating habits at tiyakin ang pagkain ng sapat lang pero masustansiya.
Sa halip na french fries, sinabi ni Garin, dating kalihim ng Department of Health, magandang option ang sweet potato fries o kamote na mas masustansiya dahil sa mataas na nutritional value.
Bukod dito, makatutulong pa sa mga lokal na magsasaka dahil titiyakin na walang kamote ang dapat mabulok.
Sa ngayon, may mga local ordinance para sa “half cup of rice option” pero mas magandang isabatas para sumunod at ma-implement sa buong bansa.
May ganito rin na panukalang batas noon na isinumite si Pangulong Bongbong Marcos noong siya ay Senador.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home