Monday, November 06, 2023

Pinawi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga pangamba kaugnay sa isinusulong na Reciprocal Access Agreement o RAA sa pagitan ng Pilipinas at Japan. 


Una rito, binanggit ng ilang militanteng mambabatas na ang RAA ay maaari umanong magaya sa Visiting Forces Agreement o VFA ng Pilipinas at Amerika kung saan may mga sundalong Amerikano na umabuso sa mga Pilipino tulad sa mga kababaihan. 


Paliwanag ni Romualdez, natuto na ang ating bansa sa mga nakalipas na karanasan o pangyayari. 


Punto pa niya, sa kasalukuyan ay naririyan ang mass media, teknolohiya, social media at iba pa, at napaka-sensitibo ng mga tao pagdating sa mga isyu gaya ng anumang uri ng pang-aabuso. 


Tiwala naman si Romualdez na sa RAA ay mas magiging maayos pa ang relasyon ng Pilipinas at Japan, at paiiralin ang respeto. 


Nitong Sabado, nagdaos ang Senado at Kamara ng special joint session kung saan kanilang sinalubong at tinanggap ang mensahe ni Japan Prime Minister Kishida Fumio. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home