Sunday, November 19, 2023

Speaker Romualdez pinuri pag-aresto sa big-time smuggler ng sibuyas


Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang administrasyong Marcos sa pagkakahuli sa isang pinaghihinalaang bigtime smuggler ng sibuyas na itinuturing nito na isang mahalagang hakbang sa laban ng gobyerno kontra smuggling at hoarding ng mga produktong agrikultura.


Iginiit din ng lider ng Kamara de Representantes ang kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya upang mahuli si Jayson de Roxas Taculog sa Batangas noong Miyerkules.


Ang pagtutulungan ng executive at legislative department ay mahalaga upang mahuli ang mga smuggler at hoarder na hindi lang nagpapahirap sa mga lokal na magsasaka kundi maging sa mga mamimili.


“Hindi kami titigil sa aming ginagawang paghabol sa mga smuggler at hoarder. Hindi tama na pahirapan nila ang milyun-milyong pamilyang Pilipino para kumita sila ng malaki,” ani Speaker Romualdez.


“Sinisigurado ko sa inyo na hindi kami titigil hangga’t hindi sila napaparusahan sa kanilang maling gawain,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.


Partikular na kinilala

rin ni Speaker Romualdez ang magandang trabaho ng Bureau of Customs (BoC) na pinamumunuan ni Commissioner Bien Rubio dahil sa "exemplary work in apprehending Taculog and thwarting large-scale agricultural smuggling, a vital step in curbing economic sabotage."


Matatandaan na inatasan ni Speaker Romualdez ang House Committee on Agriculture and Food na magsagawa ng imbestigasyon matapos na umakyat sa mahigit P700 ang bawat kilo ng sibuyas noong huling bahagi ng 2022.


Ang hakbang na ito ay nagresulta sa malaking pagbaba ng presyo ng sibuyas sa merkado.


Natukoy din ng komite ng Kamara ang mga personalidad na pinaniniwalaang nagsabwatan upang mapataas ang presyo ng sibuyas sa pamamagitan ng pag-ipit ng suplay na kanilang binili sa murang halaga.


Pinatitiyak naman ni Speaker Romualdez sa mga ahensya ng gobyerno na malakas ang maisasampang kaso upang maparusahan ang mga ito.


Iginiit ng lider ng Kamara na sila ay katuwang ng administrasyong Marcos sa paghahanap ng paraan upang maparami ang suplay ng pagkain sa bansa sa abot-kayang halaga. (END) wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home