Tama ang naging desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na baguhin ang implementing rules and regulations ng batas na nagtatag sa Maharlika Investment Fund upang maging compliant sa layunin nito.
Ito ang paniniwala ni House Majority Leader Mannix Dalipe matapos ilabas ang final revised IRR ng Republic Act 11953.
Sinabi ni Dalipe na may mga lumang probisyon sa IRR na hindi itinatakda ng batas kaya hindi malayong mauwi sa Constitutional challenge ng mga tutol sa MIF.
Nadagdagan aniya ng mga probisyon ang IRR na wala sa naunang deliberasyon nang ipasa ito ng Kongreso tulad ng kwalipikasyon sa edukasyon, professional experience at track record.
Mas matagal din umano at aabutin ng ilang buwan ang selection process ng MIF Board base sa lumang IRR na magpapaantala sa implementasyon ng batas at maaaring ikadismaya ng potential investors.
Bukod dito, sang-ayon ang kongresista na dapat may kapangyarihan ang pangulo na tanggapin o ibasura ang mga nominado para sa directors at President and CEO na kasali sa shortlist ng Advisory Body.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home