Friday, December 15, 2023

Pinagpapaliwanag ni House Committee on Metro Manila Development Chairperson at Manila Second District Representative Rolando Valeriano ang Department of Labor and Employment ukol sa umano’y naitalang iregularidad sa programang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers.


Ito’y matapos makatanggap ng reklamo mula sa mga taga-Maynila si Valeriano na may mga nabibigyan ng benepisyo mula sa programang inilunsad noong panahon ng pandemya kahit na hindi dapat.


Kahit sino aniya ay nakatatanggap ng payouts ng TUPAD samantalang ang mga tunay na benepisiyaryo kabilang ang senior citizens ay binabawasan nang malaki o kinikikilan.  


Bahagi umano ng pagsasamantala ng ilang tauhan ng DOLE ang direktang pamamahagi ng benepisyo mula sa TUPAD nang may kaltas sa mga indibidwal na hindi kwalipikado.


Iginiit ng kongresista na dapat ay masampolan ang mga gumagawa ng kalokohan at magkasa ng imbestigasyon sa mga sumbong na natanggap.


Sa ilalim ng programa, nagbibigay ang DOLE ng emergency o financial assistance sa mga nawalan ng trabaho, underemployed at vulnerable workers.


Nasa 5,370 pesos ang payout sa bawat kwalipikadong benepisiyaryo na katumbas ng sampu hanggang tatlumpung araw na pagtatrabaho. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home