Monday, January 29, 2024

isa Aprubado na ng House Committee on Basic Education and Culture ang resolusyong nagsusulong na ibalik sa Hunyo ang pagbubukas ng mga klase sa mga paaralan, mula sa kasalukuyang Agosto. 


Sa pagdinig ng komite sa pamumuno ni Pasig City Rep. Roman Romulo, inimbitahan ang Department of Education o Deped, grupo ng mga guro at magulang, at iba pang stakeholders. 


Ayon kay Dir. Leila Areola ng Deped, may nabalangkas na memo ang Kagawaran para sa pagbabalik ng orihinal na June-March school calendar. 


Gayunman, ang target na pagpapatupad nito ay “gradual” o unti-unti para hindi mabitin ang “vacation days” ng mga guro. 


Dagdag ni Areola, tapos na rin ang konsultasyon nila sa mga stakeholder, pero gusto aniya ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte na makonsulta rin ang field offices at regional directors ng Deped. 


Aniya pa, gaya ng naunang pahayag --- ang June-March ang academic calendar ay hindi magagawa sa school year 2024-2025, at sa halip ay sa school year 2025-2026. 


Batay naman kay Marcelino Villafuerte ng PAGASA, sakaling maibalik na sa June-March ang school calendar, kakaunti ang school days na may “extremely hot temperature” at hindi rin umano maulan ang graduation day. 


Subalit, sinabi rin ng PAGASA na asahan ang mas maraming kanselasyon ng mga klase kapag may bagyo o masamang panahon.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home