isa Lubos na nagalak si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pasya ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na palawigin pa ang panahon ng consolidation sa Public Utility Vehicle o PUV modernization program.
Ayon kay Romualdez, “may Diyos talaga,” at “narinig agad ni Pang. Marcos” ang hinaing ng iba’t ibang transport groups.
Sinabi pa ng Lider ng Kamara na ang desisyon ng Presidente ay patunay na sensitibo siya at nakikinig sa mga tao, at hindi gustong mangyari ang mga kinatatakutan ang jeepney drivers at operators.
Nang tanungin ni Romualdez ang mga kinatawan ng transport groups kung ano ang kanilang reaksyon, sinabi ni Mar Valbuena ng Manibela na “welcome” sa kanila ang pasya ng Pangulo.
Pero sana aniya, ang mga single operator ay mapagbigyan na makapag-modernize sa kanilang sarili.
Dagdag ni Valbuena, sana ang deadline sa consolidation ay mawala habang dinidinig ang mga problema ng PUV modernization program.
Ikinalugod din ng Piston ang pasya ni PBBM, pero ayon kay Mody Floranda, ang 90-araw ay “torture” pa rin sa mga operator at drivers kaya sana ay suspendihin muna ang PUV modernization program habang pinag-aaralan pa ito.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home