milks LTFRB hinamon na pag-aralang mabuti ang mga tinututulang probisyon ng PUV Modernization Program matapos palawigin ni PBBM ang January 31 deadline…
…
May sapat na pagkakataon ang Land Transportation Office na magsagawa ng kunsultasyon at pag-aaral sa mga tinututulang probisyon ng PUV Modernization Program.
Reaksiyon ito ni House Speaker Martin Romualdez matapos palawigin ni
Pangulong Bongbong Marcos ang panahon ng consolidation ng naturang programa.
Ayon kay Romualdez, “iconic” ang mga jeepney na bumibiyahe sa ating mga lansangan at sa halip na i-phaseout, pag-aralan ng LTFRB ang posibilidad na matulungan ang mga operator para sa kanilang maintenance.
Una rito, nakipag-dayalogo si Romualdez at pinapasok sa Kamara ang mga lider at miembro ng Piston at Manibela na nag-rally sa harap ng Batasan.
Ito ay kaugnay ng pagpapatuloy ng hearing ng House Committee on Transportation sa isyu ng PUV Modernization Program kung saan muli nilang inapela kay Pangulong Marcos na i-extend ang naunang January 31 dealine ng LTFRB.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home