isa Muling dumagsa ang mga raliyista sa labas ng Batasan Pambansa, sa Quezon City… kasabay ng motu proprio inquiry ng House Committee on Transportation kaugnay sa implementasyon ng Public Utility Vehicle o PUV modernization program.
Sa bahagi ng South gate ng Batasan Pambansa, nakahilera ang mga raliyista na kanya-kanyang dala ng placards.
Kasama sa protesta ang grupong Piston, gayundin ang mga miyembro ng Bayan Muna at iba pang mga grupo ng transportasyon at mga commuter.
Hirit nila, ang Charter Change o Cha-Cha ang marapat na i-phase out, at hindi ang mga tradisyunal na jeepney.
Binabanggit din nila na hindi sapat ang 3-buwan na extension ng consolidation sa ilalim ng program, na utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Samantala --- sa opening remarks ni House Committee on Transportation chairman Romeo Acop, kanyang sinabi na nagpapasalamat ang komite kay Pang. Marcos Jr. dahil sa pagpapalawig ng PUV modernization program consolidation hanggang April 30.
Magbibigay aniya ito ng panahon para mga kaukulang ahensya ng pamahalaan upang repasuhin ang guidelines ng programa.
Habang ang Transpo committee ng Kamara, ani Acop, ay patuloy na mag-iimbestiga at tututok sa mga alegasyon ng kurapsyon sa pagbili ng modernized jeepneys hanggang sa makabuo ng mga rekumendasyon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home