isa Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na hindi niya papatulan ang mga hindi magandang salita na ipinapukol sa Kamara o sa kanya, kaugnay sa isinusulong na Charter Change o Cha-Cha.
Ito ay tugon na rin niya kasunod ng manifesto ng Senado na tumututol sa People’s Initiative o PI, na iniuugnay sa kanya.
Ayon kay Romualdez, nirerespeto niya ang mga pahayag o opinyon ng iba dahil karapatan nilang magsalita ng ganun. Pero wala siyang balak na patulan ang mga ito.
Sa katunayan, mas handa siyang makipag-tulungan sa mga senador “hand in hand” at i-embrace o yakapin ang Resolution of Both Houses no. 6.
Giit pa ni Romualdez, ang economic Cha-Cha na kanyang itinutulak ay para sa mga Pilipino at hindi para sa mga kongresista, sa mga senador o para kay Presidente Ferdinand Marcos Jr.
Dagdag ni Romualdez, baka ang RBH no. 6 na ang solusyon sa mga hinaing ng mga tao, o mga kinakaharap na problema ng bansa.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home