Sunday, January 07, 2024

Mga programang makapagpapababa sa presyo ng bilihin isusulong ng Kamara


Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Linggo na ipagpapatuloy ng Kamara de Representantes, katuwang ang Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr., ang mga programa na makatutulong upang mapabagal ang inflation rate at matiyak na abot kaya ang presyo ng pagkain.


Tugon ito ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumagal ang inflation rate sa ikatlong sunod na buwan noong Disyembre 2023 na naitala sa 3.9 porsyento.


Noong Nobyembre ang inflation rate ay 4.1 porsyento at 4.9 porsyento naman noong Oktubre.


“We are happy about this encouraging piece of good news, especially for our people. The easing of inflation last month meant that food prices were still down despite the fact the December and the Christmas season usually see prices jumping to unreasonable levels,” saad ni Speaker Romualdez.


Ang pagbagal ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay patotoo aniya na may positibong resulta ang mga hakbang na ipinatupad ng administrasyong Marcos Jr. bago mag-Pasko.


“This development is a testament to the collective effort and resilience of our people and the Marcos administration's commitment to make life better for every Filipino,” sabi niya.


Tinukoy pa nito na sinimulan ng bansa ang nakaraang taon na may 8.7 porsyentong inflation rate noong Enero na siyang pinakamataas sa loob ng 14 na taon, bunsod ng mataas na presyo ng pagkain at petrolyo.


“We have tamed the monster, cutting it down by more than half,” diin ng lider ng Kamara.


Sinabi ni Speaker Romualdez na ang 3.9 porsyentong naitala noong Disyembre ay pasok sa target ng pamahalaan na 2 hanggang 4 porsyentong inflation rate.


Sa hinaharap, sinabi ng Speaker na mananatiling nakatutok ang Kapulungan ng mga Kinatawan sa pagtataguyod ng mga programa, lalo na ang mga pinondohan sa 2024 national budget, na higit na magpapababa ng inflation rate sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga magsasaka at mangingisda, pagpapalago ng ekonomiya at pagtulong sa bulnerableng sektor.


“We have to assist those in our agriculture sector, including those engaged in agri-business, so they can produce more. More rice, more fish, more vegetables, more staple food will translate to lower prices,” aniya.


Pagbabahagi pa niya, ang pondo ngayong taon ay sapat para suportahan ang mga magsasaka sa kanilang binhi, abono, at iba pang kagamitan sa pagsasaka, irigasyon at iba pang tulong.


Mayroon din aniyang bilyong pisong pondo para sa mga mahihirap, near poor o yung hindi sapat ang kita at mga vulnerable sector.


Sa P5.768 trilyong budget paa sa 2024, sinabi ni Speaker Romualdez na mayroong P500 bilyong nakalaan para sa social amelioration program o ayuda para sa may 12 milyong mahihirap at low-income families na tinatayang katumbas ng 48 milyong Pilipino.


Kasama dito ang programang AKAP o Ayuda sa Kapos ang Kita.


“It’s a P60-billion fund, whose aim is to provide direct cash assistance to the ‘near poor’ or families earning up to P23,000 a month. At least 12 million households will benefit from it, including low-income workers like those in construction and factories, drivers, food service crew, and the like,” sabi ng House Speaker.


Ang mga benepisyaryo nito ay makatatanggap ng one-time cash assistance na nagkakahalaga ng P5,000.


“If the program is successful, we can continue implementing it next year,” aniya.


Sinabi rin ng House leader na muling pinondohan ang mga kasalukuyan nang programa ng pamahalaan para tulungan ang pinakamahihirap gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development at ang Tulong Pang-hanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD) sa ilalim ng Department of Labor and Employment.


May nakalaan namang P23 billion para sa AICS at P30 billion naman para sa TUPAD.


Ayon kay Romualdez malaking tulong sa malaking pagbaba ng inflation ang mga hakbang na ipinatupad ni Pangulong Marcos Jr. na kanilang sinuportahan sa Kongreso.


Partikular dito ang ipinataw na P45 price cap sa kada kilo ng bigas na ipinatupad noong Setyembre.


“We will continue to monitor the prices of rice and other staples. If we notice an unreasonable and unjustified increase, we will not hesitate to recommend to the President the reimposition of a price limit,” saad ni Speaker Romualdez.


Nakakatanggap pa rin aniya siya ng mga ulat na ang presyo ng kada kilo ng bigas ay pumapalo pa rin sa P50 hanggang P60.


Una nang binalaan ni Speaker Romualdez ang mga profiteers, hoarders, smugglers at mga nagmamanipula sa presyo na gagamitin ng Kamara ang oversight powers nito para imbestigasyon at malantad ang kanilang mga iligal na gawain.


Bilang tugon ay kumilos ang House leader at inilunsad ang kaniyang programang CARD (Cash Assistance and Rice Distribution), bilang pakikiisa sa hangarin ng Pangulo na tulungan ang mga mahihirap.


“We will aim to reach more areas, especially remote communities, as soon as possible so we could help more people. We hope this project would ultimately have a favorable impact on food prices, on inflation and on poverty in general,” aniya


Katuwang ang Department of Social Welfare and Development, nakapagbigay na ang CARD teams ng bigas at tulong pinansyal sa libong benepisyaryo sa Metro Manila at iba pang probinsya.


Kabilang sa kanila ang mga matatanda, may kapansanan, solo parents at indigenous people.


Target ng CARD na matulungan ang libong mga mahihirap na Pilipino sa lahat ng legislative district sa buong bansa. (END) wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home